• Home
  • Fresh Scoops
  • 5 kilig moments of JoshLia in their 2-part ‘Magandang Buhay’ special

5 kilig moments of JoshLia in their 2-part ‘Magandang Buhay’ special

Joshua Garcia took Julia Barretto to his hometown in Banuan, Batangas.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/22/2018 1:25 PM
5 kilig moments of JoshLia in their 2-part ‘Magandang Buhay’ special


 

Sa two-day special ng Magandang Buhay nitong August 21-22, isinama ni Joshua Garcia ang ka-love team na si Julia Barretto sa kanyang kinalakihang probinsya sa Banuan, Batangas. Hindi naman inaasahan ng mga fans ang ilan sa mga nakakatuwang kilig moments ng dalawa.
 
1.    Inamin ni Joshua na hindi si Julia ang unang babaeng nakabisita sa bahay niya. “Pero ‘yung time na (yun), puppy-puppy love pa. (Si Julia) kasi masasabi mong love mo talaga na naipakilala mo. Kasi siya rin naman talaga 'yung ipinakilala ko sa mga magulang ko," sabi ni Joshua.

Image credit: @_magandangbuhay on Instagram

2.            Ibinunyag din ng ama ni Joshua at maging ni Julia na mahirap gisingin sa umaga ang aktor. Depensa naman ni Joshua, pati rin naman si Julia ay hindi agad-agad nagigising. “Makakalima muna akong kiss bago ka magising,” sabi ni Joshua habang kinikilig naman ang mga momshie-hosts.


Image credit: @_magandangbuhay on Instagram

 

3.            Dahil unang beses nakapunta ni Julia sa bahay ni Joshua sa Batangas, unang beses niya rin makita ang mga lumang pictures nito. Habang hawak ang mga pictures, tuwang-tuwa at walang masabi ang aktres kundi, “Oh my god” at kamukha ni Joshua ang kapatid nito na si Skye.


 
4.            Habang nasa kwarto naman ang dalawa, tinuruan din siya ni Joshua ng pagbubunot ng sahig.
 

Image credit: @_magandangbuhay on Instagram

5.            Ayon kay Julia, pwedeng niyang bigyan ng award si Joshua ng Most Willing to Learn Award. Dagdag niya rin ang mga awards na Most Pasaway, Most Matigas ang Ulo at Most Sleeping.

 Image credit: @_magandangbuhay on Instagram

6.            Kumanta rin ang dalawa ng Pare Ko habang nagi-gitara si Joshua, kasama ang mga momshie hosts at mga dati nitong kaibigan.