• Home
  • Fresh Scoops
  • Pelikula at teleserye ang mga bagong aabangan kina Loisa Andalio at Ronnie Alonte

Pelikula at teleserye ang mga bagong aabangan kina Loisa Andalio at Ronnie Alonte

Excited na daw si Loisa Andalio para sa mga bagong proyekto na gagawin.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/21/2018 11:11 AM
Pelikula at teleserye ang mga bagong aabangan kina Loisa Andalio at Ronnie Alonte


 

Todo cheer para kay Ronnie Alonte si Loisa Andalio sa naganap na Star Magic All Star Game nitong Sabado, August 18, sa Araneta Coliseum.

Read: Team Gerald wagi sa Star Magic All Star Basketball Game

Bago pa man ang laban ng Team Red at Team Blue, nakapanayam ng entertainment press and bloggers si Loisa kung saan ibinahagi niya ang mga bagong proyekto na gagawin.

“Yes, kasama kami sa The General’s Daughter, kaming dalawa ni Ronnie. Mayroon din kaming isang movie with Vice [Ganda] andon kami sa Fantastika,” sabi ni Loisa.

Aminado ang young Kapamilya star na magkahalong kaba at excitement ang kanyang nararamdaman sa bagong proyekto.

 

go bebeh go bebeh go bebebebeh love 😂😘💪🏼 @hashtag_r2a

A post shared by Loisa Andalio 🥀🦋 (@iamandalioloisa) on

 

“Siyempre kinakabahan ako kasi mga batikan na artista ang mga kasama namin doon. Sobrang pressure din kasi kami lang yung bagets doon e,” sabi pa niya.

Hindi pa man daw mag-uumpisa ang shoot, ikinuwento din ni Loisa ang experience nang unang makasama ang lead cast ng upcoming Kapamilya series.

Insert photos attached in this email 

“Wala pa, kasi parang nag look test palang kami, tapos story conference ganun palang. Pero nung nag-story con kami, mababait po sila kaya nagkaroon na din ng bonding,” pahayag pa niya