• Home
  • Fresh Scoops
  • Jaycee Parker, ipinaliwanag kung napaaga ang kasal nila ni Jericho Aguas

Jaycee Parker, ipinaliwanag kung napaaga ang kasal nila ni Jericho Aguas

Di rin daw buntis si Jaycee Parker kaya sila nagpakasal ngayong buwan kesa sa unang balak na two years.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/21/2018 9:55 AM
Jaycee Parker, ipinaliwanag kung napaaga ang kasal nila ni Jericho Aguas


 

Aminado ang former Viva Hotbabe member na si Jaycee Parker na hindi maiwasang makaramdam siya ng kaba ilang oras bago ang kanilang wedding ceremony ng kasintahang si Jericho Aguas nung Linggo, August 19. Ginanap ang Christian wedding ng dalawa sa Promenade King’s Royal sa Bacolor, Pampanga.

Jaycee is 33 years old at at si Jericho naman ay 38. Apat na taon na silang magkarelasyon at dalawang taon naming nagli-live-in.

“Kinakabahan kasi umuulan, alam mo yon, siyempre worried ako kasi malayo ang venue namin. Worried ako don sa mga bumabyahe,” kuwento ni Jaycee sa PUSH isang oras bago ang kanilang wedding ceremony ni Jericho.

Patuloy niya, “Tsaka hindi ko alam bakit ako nate-tense. Hindi ko alam. Wala naman ako dapat ika-tense kasi everything was taken care of by wedding coordinator ko, tapos lahat ng mga suppliers, sobrang gagaling talaga nila. Pero hawakan mo yung kamay ko (na nanlalamig). Hindi ko alam, may halong kaba at nerbyos.”

Inamin din ng bride na malaking factor ang pagiging Christians nila ng boyfriend kaya nag-decide silang magpakasal.

“Actually, dapat baby na lang. But since nag-born again kami and we’re now Christians (sa Victory), na-realize namin na hindi pala tama yung magkasama ang isang babae at isang lalaki sa iisang bahay na hindi naman talaga sila kasal.

“And also, sabi nga nila sa bible, obedience becomes blessing and I’m sure na mabe-bless kami ni God sa gagawin naming pagsunod sa gusto Niya,” pagtatapat niya.

One month daw ang naging preparation nila para maisaayos ang mga detalye ng kasal.

“Kaya pag nakita n’yo yung wedding, sobrang ganda ng gawa ni Badang. Sobrang ganda ng mga gowns, I have another gown after this, yung second gown ko, all made within one month.”

Sa deskripsyon ni Jaycee, ang suot na wedding gown niya na dineseyo ni Jojo Makapinlac ay isang “rock and roll wedding ball gown.”

Natatawa ding inamin ni Jaycee na hindi na nag-propose sa kanya si Jericho.

“Wala talaga. Talagang, ‘Magpakasal na tayo,’ ganun na lang. Walang engagement. Actually, kahapon (August18) lang niya binigay yung ring. Sabi niya, ‘Halika dito, may nakalimutan akong ibigay sa ‘yo. Ganun lang,” sabay tawa ng aktres.

Ipinakita ni Jaycee ang diamond engagement ring na bigay ni Jericho, kaya lang, hindi niya raw alam kung ilang karat ito.

“Hindi ko alam. Hindi ko naman pinatimbang,” biro niya tungkol sa hawak na singsing.

Itinanggi naman ni Jaycee na buntis na siya kaya napaaga ang kasal nila ni Jericho na originally, two years pa sana nila balak gawin.

 “Wish ko lang. Sana. Wala pa, eh. Pero yon talaga yung wish ko, gusto ko susunod na yon,” reaksyon niya.

Saan ba nila balak mag-honeymoon?

“May isa akong mabait na friend na nagbigay ng gift for honeymoon pero hindi muna namin magagawa agad-agad kasi maraming kailangang asikasuhin. Dapat magpa-Paris kami for our honeymoon pero hindi pa namin kayang lumipad,” sey pa niya.

Ipinagmalaki rin ni Jaycee ang malaking ang partisipasyon ng anak ni Jericho sa yumaong aktres na si Isabel Granada na si Hubert Thomas Aguas sa kanilang wedding. During Jaycee’s wedding march, kinanta ng binata ang “Over and Over Again” ni Nathan Sykes at Ariana Grande.

Samantala, ilan sa mga namataan naming dumalo sa kasal at naging abay pa ni Jaycee ay ang mga kaibigan niya from showbiz like Ara Mina, Antoinette Taus, RR Enriquez  at mga kasamahan sa Viva Hotbabes na sina Katya Santos, Jennifer Lee, Maui Taylor at iba pa.

Kabilang naman sa mga ninong ng dalawa ay si Chavit Singson, dating senador Lito Lapid at ang dati ring PNP General Director na Ronald “Bato” dela Rosa.

Congratulations and best wishes to Mr. and Mrs. Jericho Aguas.