• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla, pabor nga ba sa paggawa ng solo project ni Kathryn Bernardo?

Daniel Padilla, pabor nga ba sa paggawa ng solo project ni Kathryn Bernardo?

Bukas din daw sa posibilidad ng paggawa ng solo movie project si Daniel Padilla.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/21/2018 11:06 AM
Daniel Padilla, pabor nga ba sa paggawa ng solo project ni Kathryn Bernardo?


 

All out support si Daniel Padilla sa onscreen partner na si Kathryn Bernardo na makakasama sa reunion movie project nina Sharon Cuneta at Richard Gomez.

“Excited ako para kay Kathryn kasi siyempre mayroon siyang project. Mag-isa siya, I mean wala lang ako and I think maganda ‘to para sa kanya dahil mago-grow siya bilang actor,” pahayag ni Daniel sa naganap na Star Magic All Star Game noong Linggo, August 19.

Paliwanag ni Daniel, hindi ito nangangahulugan na buwag na ang KathNiel tandem.

Read: Kathryn Bernardo to join Sharon Cuneta and Richard Gomez's reunion movie

“Yeah, kasi it doesn’t mean na pag naghiwalay kami mayroon na kaming iba ng kasama. Hindi naman kailangan may partner na agad e,” saad pa ni Daniel.

Perfect din daw si Kathyn sa family-oriented movie bilang anak ni Megastar.

“I think it depends sa istorya lalo na sa istorya na ‘to kay Kathryn ngayon, pasok na pasok sa family-oriented film so para sa kanya yan talaga,” sabi pa niya.

 

THE HOWS OF US in theaters Aug. 29, 2018.

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath) on

 

“Malay mo ako, after ng movie na ‘to may gawin ako na out of nowhere na istorya,” masayang sabi pa ng aktor.

Bago ang solo projects, mapapanuod sina Kathryn at Daniel sa The Hows of Us ngayong August 29.