Marlo Mortel kasali na sa FPJ’s Ang Probinsyano

Excited din si Marlo sa tatahakin ng kanyang music career.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/20/2018 8:51 AM
Marlo Mortel kasali na sa FPJ’s Ang Probinsyano


Photo credit: @marlomortelmusic on IG

 

Pumirma ng recording contract ang Umagang Kay Ganda host at ngayon ay singer-songwriter na si Marlo Mortel sa Star Music.

Dito, inilibas ni Marlo ang kanyang mga naisulat na kanta mula noong estudyante pa siya. At isa dito ang single na “I Pray” na para sa kanyang ina na may pinagdadaanan na matinding karamdaman.

“Nai-release na actually hindi talaga siya dapat kasama sa album ko since complete na love stories (yung songs) pero since ganun ang pinagdadaanan ng pamilya namin gusto ko sana i-regalo sa kanya as a song of inspiration and hope,” sabi ni Marlo.

Mapapanuod na din ngayon si Marlo bilang isa sa mga tauhan ng top rating telerserye na “FPJ’s Ang Probinsyano” na kanyang ipinagpapasalamat.

“Something different and first time ko a-appear sa primetime so happy ako." 

Natawa naman si Marlo nang tanungin kung sasabak na rin siya sa action scenes. 

"Hindi ko pa alam! (laugh),” masayang kuwento niya.

Ibinahagi din ni Marlo ang kakaibang music serye para sa kanyang music videos at sinabing dapat itong abangan ng kanyang mga taga-hanga. 

“First time na magkakaroon ng music-serye or album-serye since connected lahat ng mga songs every month na ire-release ang song kasabay ang music video na para siyang isang episode,” pahayag pa ni Marlo.

Umaasa si Marlo sa mainit na pagtanggap sa kanyang recording career, bukas din siya sa posibilidad na paggawa ng kanta para sa ibang recording artist.