Jake Zyrus pays tribute to his mentor

Nag-alay ng mga awitin ang singer sa kaibigang pari na buong pusong tinanggap ang kanyang pagkatao.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/20/2018 8:55 AM
Jake Zyrus pays tribute to his mentor


 

Isang maramdaming awitin ang inalay ng singer na si Jake Zyrus para sa huling gabi ng burol ng namayapang pari na si Fr. Ricardo Torrefiel nitong Sabado ng gabi.

Si Fr. Torrefiel ng San Bartolome sa Malabon ay ang tumatayong spiritual adviser, mentor at naging kaibigan ni Jake Zyrus noong mga panahon na siya naguguluhan sa kanyang pagkatao.

“Parang real love, genuine love and acceptance at yun yung pinaka malaking impact na binigay niya sa ‘kin na hindi ko makakalimutan,” bungad ni Jake sa atin.

Aniya, bihirang alagad ng simbahan ang mga kagaya ni Fr. Torrefiel na nakakaintindi sa mga kagaya niya na dumaan sa matinding pagbabago pagdating sa kanyang sexualidad.

“People like us, like me, parang bibihira yung makaka kita ka ng someone from the church na will support you dearly, genuinely and yun yung pinaramdam sa ‘kin ni father,” sabi pa ni Jake.

Aniya, malaki ang kanyang pasasalamat sa kaibigang pari dahil sa mga naitulong nito sa kanya noong siya ay naghahanap ng kasagutan sa kanyang pagkatao.

 

“Yun na kasi yung pinaka rare, especially sa generation ngayon yung totoong pagmamahal and bago siya nawala im very grateful na naramdaman ko yun from him,” pahayag pa ni Jake.

Bukod sa pagiging isang mabuting kaibigan kay Jake, nakilala din si Fr. Torrefiel bilang utak sa pagsasaayos ng mga simbahan sa Malabon tulad ng Immaculada Concepcion de Malabon at ang parokya ng San Bartolome.