• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Matsunaga, nakabangga ng isang motorsiklo sa Commonwealth Avenue

Daniel Matsunaga, nakabangga ng isang motorsiklo sa Commonwealth Avenue

Sugatan ang motorcycle rider matapos mabangga ng sasakyan ng aktor.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/20/2018 8:09 AM
Daniel Matsunaga, nakabangga ng isang motorsiklo sa Commonwealth Avenue


Photo credit: @dandanmatsunaga on IG

 

Sugatan ang isang motorcycle rider matapos masagi sa sasakyan ng aktor na si Daniel Matsunaga sa Commonwealth Avenue. 

Sa ulat ng GMA News, ani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcer Joven Acosta, hindi namalayan ng aktor na may nasagi siyang motor dahil masyado umanong malakas ang tugtog sa loob ng kanyang kotse. Kinailangan ding sundan ng traffic enforcers si Daniel dahil hindi siya kaagad huminto.

Nabigyan na ng paunang lunas ang rider. Sa kabila nito, hindi pa nagbibigay komento ang aktor tungkol sa insidente ngunit nag-post lamang si Daniel ng mensahe sa kanyang Instagram story at sinabing, “Please pray for me.”