• Home
  • Fresh Scoops
  • Ketchup Eusebio, masayang kinuwento kung san galing ang kanyang palayaw

Ketchup Eusebio, masayang kinuwento kung san galing ang kanyang palayaw

Ketchup Eusebio, tinatawag noong ‘Ketchup Kid’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/2/2018 10:49 AM
Ketchup Eusebio, masayang kinuwento kung san galing ang kanyang palayaw


 

Sa Tonight with Boy Abunda, masayang binalikan ni Ketchup Eusebio kung san nagmula ang palayaw niya na “Ketchup.”  “May commercial po ako nang eight years old ako na sweet-blend ketchup. Hindi alam ng mga taga sa amin (ang) Michael.” Michael kasi ang totoong pangalan ni Ketchup.

Dahil daw dito kaya tinatawag siya nun na Ketchup boy sa barangay nila sa Bangkal. “Pati mga nagrerenta, pag tinanong kung saan niyo to nirenta, (sasabihin nila) dun yan sa ketchup kid sa commercial.”

Laging bantay noon si Ketchup sa video rental store nila kaya ito rin daw ang dahilan kung bakit marami siyang napapanuod na pelikula, dahil kailangan niya ikuwento sa mga nagrerenta kung tungkol saan ang pelikula.