Ketchup Eusebio, gustong gampanan ang role ni Dolphy

Ketchup Eusebio, pinag-iisipan na din ang pagpapakasal

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/2/2018 10:54 AM
Ketchup Eusebio, gustong gampanan ang role ni Dolphy


Photo credit: Hot Pinoy Showbiz - Blogger (R)

 

Sa Tonight with Boy Abunda, nagkuwento si Ketchup Eusebio tungkol sa kanyang love life. Aniya, nine years na sila ng kanyang girlfriend na si Anne at napag-uusapan na rin nila ang pagpapakasal. “Opo, maraming beses. Pero of course practicality pumapasok muna na gusto muna namin ma-settle yung bahay.” 

Nabasted na din si Ketchup, pero hindi raw ng isang artista. “Hindi pa po ako nakakapanligaw ng artista e. Dahil during sa pag-aartista ko laging meron po akong girlfriend na e. Mula nag-start ako ng pagpasok may girlfriend ako, ngayon meron din po.”

Kung magiging bida man si Ketchup, gusto daw niyang gampanan ang role nina “Mang Dolphy po sana or Rico J. Puno” sa isang biographical film. 

Kasama rin si Ketchup sa Cinemalaya entry na Mamang na dinirek ni Denise O’Hara. Si Ketchup ang gaganap na anak ni Mamang, isang babaeng may dementia, na ginagampanan naman ni Celeste Legaspi.