• Home
  • Fresh Scoops
  • Jaya, naghahanda na para sa kanyang 30th anniversary sa showbiz

Jaya, naghahanda na para sa kanyang 30th anniversary sa showbiz

Ayon kay Jaya, muntik na niyang talikuran ang kanyang karera noon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/2/2018 12:45 PM
Jaya, naghahanda na para sa kanyang 30th anniversary sa showbiz


Photo credit: @jaya on IG (L)

 

Isang major concert ang pagsasamahan nina Jaya, Jay-R at Jason Dy na pinamagatang SoulJa.

 

Sa press launch na naganap, nagbigay komento si Jaya na masigla muli ang OPM concert scene at nagtutulungan ang mga kapwa OPM artists.

“OPM is alive it’s stronger than ever, I mean marami tayo nakikitang concerts. I don’t know… in the past two years it’s just growing and elevating. Nagta-thrive siya at wala talagang competition sa aming mga entertainers,” sabi ni Jaya.

Mas naging espesyal din ang kuwentuhan nang mapag-usapan ang nalalapit na 30th year anniversary ni Jaya sa 2019.

Ayon kay Jaya, hindi niya inakala na aabutin niya ang tatlong dekada sa showbiz, lalo na muntik na niyang itong talikuran.

 

“Years ago, I was going to pack up and leave but mali ang desisyon ko because my Manager doon sa itaas, sabi Niya, ‘Hindi pa teh! Diyan ka lang. Marami pa ganap!’ So 30th year definitely it’s happening we just have to set the date,” pahayag pa ni Jaya.

Mapapanuod ang SoulJa Concert ngayong August 30, sa Resorts World Manila.