Concert producer Joed Serrano pinasalamatan si Boy Abunda

Ayon kay Joed Serrano, si Boy Abunda ang nagpasakatuparan ng kanyang pangarap.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/2/2018 12:48 PM
Concert producer Joed Serrano pinasalamatan si Boy Abunda


Photo credit: @asianartistsagency (R) on IG

 

Malaki ang pasasalamat ng concert producer na si Joed Serrano sa TV host at talent manager na si Boy Abunda.

Si Joed ang isa sa mga tao sa likod ng sold out concert ng phenomenal Korean superstar na si PSY na Gangnam Style in Manila in 2013, Katy Perry Witness Manila tour nitong 2018, at ang katatapos lang na two-night Celine Dion Concert sa Mall of Asia Arena.

“Without Tito Boy’s (Abunda) help, without the miracle of January 7, 2018 walang Celine Dion concert,” kuwento ni Joed sa intimate lunch with the press.

Aniya, maituturing niya na guardian angel si Boy Abunda dahil sa tila milagro na itinulong sa kanya nito para maisakatuparan ang concert.

“Oo very thankful ako kasi Ovation Productions is my co-producer and we were able to mount the show ng sobrang maganda. But the reason why I’m doing this is because gusto ko lang i-acknowledge yung mga tao behind this success,” sabi pa ni Joed.

“Ayaw ko kasi na ariin, ayaw kong angkinin, dahil sa totoong buhay, hindi lang naman ako yung naghirap para dito. Aside kasi from Ovation Productions, gusto ko din malaman [ng iba] yung naging paghihirap ng ibang tao,” sabi pa niya.

Paglilinaw ng former That’s Entertainment member, walang hininging kaplit si Boy sa naging pagtulong sa kanya.

“Wala, talagang tinulungan niya lang talaga ako. Talagang act of kindness lang talaga niya siguro yun,” pahayag pa ni Joed.

Sa ngayon looking forward si Joed sa isa pang iconic superstar na posibleng mag concert dito sa bansa.