Team Gerald wagi sa Star Magic All Star Basketball Game

Natapos ang laro sa score na 113-75.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/19/2018 8:33 PM
Team Gerald wagi sa Star Magic All Star Basketball Game


 

Sa score na 113, muling nasungkit ng Team Blue ni Gerald Anderson ang kampyonato sa Star Magic All Star Basketball Game.

First quarter pa lang, lamang na agad ng sampung puntos ang Team Blue ni Anderson sa score na 24 at 14 ang Team Red ni Daniel Padilla.

45 points naman ang ibinigay ng Team Blue laban sa 29 points ng Team Red.

Pinaulananan naman ng score ng Team Blue sa Third Quarter ang Team Red, 87 points laban sa 58.

Naging mainit ang huling quarter ng laban sa paghabol ng Team Red sa score na 75 laban sa 113 ng Team Blue.

Sa huli itinanghal na kampyon ang Blue Team ni Gerald Anderson.

Samantala itinanghal naman Mythical five sina Rayver Cruz, Daniel Padilla, Gerald Anderson , JV Kapunan at Axel Torres.

Rookie of the Year naman si Richard Gutierrez at Most Valuable Player of the year si Gerald Anderson.