Jake Zyrus pays tribute to his mentor

Ang pagtanggap mula sa simbahan ang isa sa mga hinangaan ni Jake Zyrus sa kaibigan na pari ng Malabon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/19/2018 11:43 AM
Jake Zyrus pays tribute to his mentor


Photo credit to: @teamjakezyrus FB (L) and @jakezyrusmusic IG (R)

 

Isang maramdaming awitin ang inalay ni Jake Zyrus para sa huling gabi ng namayapang pari na si Fr. Ricardo Torrefiel nitong Sabado, August 18, ng gabi.

Si Fr. Torrefiel ng San Bartolome sa Malabon ay ang tumatayong spiritual adviser, mentor, at kaibigan ni Jake noong mga panahon na siya naguguluhan sa kanyang pagkatao.

“Parang real love, genuine love, and acceptance at yun yung pinaka malaking impact na binigay niya sa akin na hindi ko makakalimutan,” bungad ni Jake sa atin.

Aniya, bihirang alagad ng simbahan ang mga kagaya ni Fr. Torrefiel na nakaka-intindi sa mga kagaya niya na dumaan sa matinding pagbabago pagdating sa kanyang sexualidad.

“People like us, like me, parang bibihira yung makakakita ka ng someone from the church na will support you dearly, genuinely, and yun yung pinaramdam sa akin ni Father,” sabi pa ni Jake.

Aniya, malaki ang kanyang pasasalamat sa kaibigang pari dahil sa mga naitulong nito sa kanya noong siya ay naghahanap ng kasagutan sa kanyang pagkatao.

 

 

“Yun na kasi yung pinaka rare, especially sa generation ngayon yung totoong pagmamahal and bago siya nawala I’m very grateful na naramdaman ko yun from him,” pahayag pa ni Jake.

Bukod sa pagiging isang mabuting kaibigan kay Jake, nakilala din si Fr. Torrefiel bilang utak sa pagsasaayos ng mga simbahan sa Malabon tulad ng sa Immaculada Concepcion de Malabon at ang parokya ng San Bartolome.