• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Vitto Marquez, hindi pa raw nagka-girlfriend kahit kailan

EXCLUSIVE: Vitto Marquez, hindi pa raw nagka-girlfriend kahit kailan

Dahil kilala ang ama sa pagiging chickboy, wala daw naniniwala na no girlfriend since birth si Vitto Marquez.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/19/2018 12:32 PM
EXCLUSIVE: Vitto Marquez, hindi pa raw nagka-girlfriend kahit kailan


 

Hindi namin alam kung seseryosohin ba o paniniwalaan ang naging confession ni Hashtag Vitto Marquez sa PUSH na hindi pa siya nagkaroon ng girlfriend hanggang ngayon na he’s already 22 years old.

“Well, I’ve been single all my life, pero may minahal ako,” pag-amin niya na medyo natatawa nang makausap namin siya sa presscon ng pelikulang Petmalu.

Parang hindi naman ata kapani-paniwala ang naging pag-amin niya lalo pa nga’t anak siya ng isang Joey Marquez na noted sa pagiging chickboy.

“Siguro, wala pong naniniwala, pero wala po talaga akong nakarelasyon. Hindi siya naging girlfriend-boyfriend type. Siguro papunta don pero hindi natuloy.

“Sa mga hindi naniniwala, matatawa na lang po ako sa kanila kasi yon po talaga ang totoo. And ako po kasi, I don’t take showbiz, showbiz, and pinapakilala ko po kung sino talaga ako.

May dahilan daw kung bakit wala muna sa babae ang kanyang concentration ngayon.

“Maraming reasons kung bakit at siguro isa na don yung ano, yung masyado akong pursigidong mag-focus sa showbiz. Kasi on my part, pag may girlfriend ako, baka makasakit lang ako ng tao.

“Sabihin na rin po natin na hindi po ako mabilis ma-in love. Hindi naman po sa mapili, pero may sinasabi po tayo na meron kang mararamdaman kapag siya na talaga yon,” rason pa niya.

Eh, ano ang reaksyon ng mga kasamahan niya sa Hashtags na single pa rin siya hanggang ngayon?

“Hindi sila naniniwala. Natatawa sila kasi parang wala daw sa dugo ko. Hahaha! Ang hirap i-explain, eh, kasi nakatatak na rin sa Marquez na ganun kami, di ba, father and son thing.

“Mahirap pero siguro in time, matatanggap din ng tao. Pero hindi natin mawawala sa pagtingin ng tao na chickboy ako. Eh, ganun talaga, eh. Pero image lang yon, hindi ako ganun sa totoong buhay,” huling pahayag ni Vitto.