• Home
  • Fresh Scoops
  • Xian Lim, willing pa din ba samahan si Kim Chiu sa Star Magic Ball?

Xian Lim, willing pa din ba samahan si Kim Chiu sa Star Magic Ball?

Sinagot din ni Xian Lim ang ban issue niya sa Kapamilya network.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/18/2018 12:48 PM
Xian Lim, willing pa din ba samahan si Kim Chiu sa Star Magic Ball?


Photo credits: @chinitaprincess IG (right)

 

Binigyang linaw ng aktor na si Xian Lim ang pagbibigay kulay ng ilan sa kanyang mga pagliban sa ilang publicity appearances para sa Miss Granny sa Kapamilya network.

“Wala naman po siguro (ban issue) kasi I have couple of promotions. Nag-promote naman ako sa ASAP. Just last night, we were at Tonight With Boy Abunda. But for me, I just explained doon sa mga tinatanong nila,” sabi ni Xian sa isang pocket presscon noong Biyernes, August 17.

 

Just chillin....

A post shared by Xian Lim (@xianlimm) on

 

Isa na ngayon si Xian sa mga contract stars ng Viva Artist Agency matapos ang ilang taon niya na sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Read: Xian Lim transfers to Viva Artists Agency

Aniya, wala din daw katotohanan ang mga malisyosong balita tungkol sa kanya at sa Kapamilya network.

“I don’t think so, people are just tagging me, pero I wouldn’t know the real issue or basis,” sabi pa niya.

Bukod dito, all is well pa din daw sa kanila ni Kim Chiu.

 

Guess who came to watch our game 😄☺️

A post shared by Xian Lim (@xianlimm) on

 

“With Kim, sa amin kasi, sa aming dalawa open kami. We really do see each other,” sabi pa ni Xian.

“Ngayon lang, ang dami din kasi niya ginagawa and may mga ginagawa din ako… hindi nagtatagpo ang schedules,” paliwanag pa ng aktor.

At dahil ito ang unang taon na wala na si Xian sa Star Magic, willing pa din daw ang aktor na samahan si Kim sa nalalapit na annual gathering of stars na 2018 Star Magic Ball.

 

“Siyempre pag-ininvite ako alangan naman na sabihin ko (smiles). But if she invites me, why not? And of course it’s an invitation. If I’m welcome, why not?” pahayag ng aktor.