Jed Madela, minsan nang nagtampo sa showbiz industry

Ibinahagi din ni Jed Madela ang mga naging tanong sa sariling kakayahan sa pagkanta.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/18/2018 1:05 PM
Jed Madela, minsan nang nagtampo sa showbiz industry


Photo credits: @jedmadelaofficial IG

 

Pagkuwestiyon sa kanyang kakayahan bilang isang singer. Ito ang ilan sa pinagdaanan ng singer na si Jed Madela na kanyang ikinuwento sa isang guesting sa Magandang Buhay nitong Huwebes, August 16.

Dito, inamin ni Jed na nakaramdam siya ng kakulangan ng kompyansa sa sarili.

 

Didn’t know what to post. So here is a shameless selfie! LOLS

A post shared by Jed Madela (@jedmadelaofficial) on

 

“Siguro sa trabaho natin, there are times na talagang down na down ka. Parang you question a lot of things. Parang, ‘Ano ba talaga? May direksyon ba itong buhay ko? What’s next?’” sabi ni Jed.

“Minsan we doubt ourselves, minsan may mga question tayo sa buhay natin na hindi natin masagot sagot. But there are times na parang ‘calm before the storm’ parang ganun lang kapit ka lang kasi kung para sa ‘yo para sa ‘yo talaga yan,” dagdag ni Jed.

Ayon pa kay Jed, dumating din ang mga pagkakataon na nakaramdam siya ng tampo sa showbiz industry dala ng pagbabago ng interest ng kanyang mga tagapakinig.

 

Who am I? I am often misunderstood as this stuck up, serious, unreachable, unapproachable person that I’m not. I blame it on the eyebrows. But seriously, break through that superficial image and you’ll be surprised to find out there is more to me than what you see, read and hear. Yes. I’m quiet. But it doesn’t mean I’m a snob. I’m just painfully shy. Onstage I’m a different person. But once I step away from the spotlight, I’m back to being me. Just like a switch. People who have successfully broken that wall will tell you who I really am. I won’t give it away. Come and find out. #jedmadela #singer #performer #worldchampion #champion #music #thevoice #abscbn #asap #tawagngtanghalan #yourfacesoundsfamiliar #yfsf #tnt #wcopa

A post shared by Jed Madela (@jedmadelaofficial) on

 

“Sa industriyang ‘to, sa career natin, minsan sobrang busy mo. Minsan sobrang dami mong ganap. Minsan walang wala din na parang, ‘Ano ba, nakakalimutan na ba nila ako? Nakalimutan na ba nila ako pakinggan na kumanta?’ May mga times na ganon,” sambit pa ni Jed.

Aniya sa tulong ng mga kaibigan at pamilya, naging positibo pa din ang pagtanggap dito ni Jed.

“Sobrang suwerte ko na na-surround ko ng mga tao na talagang nag-push sa akin na, ‘Okay lang, kapit lang kasi andiyan ka na. May purpose ka na sa buhay kaya wag mag-give up,’” pahayag pa niya.

Sa ngayon, naghahanda si Jed para sa kanyang Higher Than High the 15th year anniversary concert ngayong November 16, sa Araneta Coliseum.