Sa episode ng Magandang Buhay noong August 17, inamin ng Tawag Ng Tanghalan grand winner na si Janine Berdin ng crush niya ang dating bokalista ng IV of Spades na si Unique Salonga.
Ibinunyag ng kanyang kapatid na si Candy Berdin na wallpaper sa cellphone ni Janine ang picture ni Unique.
“Before TNT (Tawag ng Tanghalan) pa po, super fan po talaga ako super,” paliwanag ng Cebuana singer.
Sa parehong episode, nagpa-sample pa si Janine na kanta ng IV of Spades na “Mundo.”
Related Articles: