• Home
  • Fresh Scoops
  • Iba’t ibang celebrity entrepreneurs, present sa Star Bazaar

Iba’t ibang celebrity entrepreneurs, present sa Star Bazaar

Sa kabilang ng kani-kanilang busy schedules, nakisaya ang ilang celebrities sa one day star-studded bazaar.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/18/2018 1:32 PM
Iba’t ibang celebrity entrepreneurs, present sa Star Bazaar


 

Nagsama-sama para sa isang one-day event noong Biyernes, August 17, sa SM Megamall ang celebrity entrepreneurs na sina Candy Pangilinan, LJ Moreno, at Janice de Belen para sa Star Bazaar ng Globe My Business.

Ilan sa mga ibinidang produkto ni Candy ang kanyang sariling disenyo na mga leather bags.

Star-Bazaar-2.jpg

“It’s all my designs. I partnered with local manufacturers, so the same time na kumikita ako, kumikita din sila. Lahat may trabaho e di masaya,” pagmamalaki ni Candy sa kanyang Qbags.

Homemade pastries naman ang produktong ibinida ng hands-on celebrity mom na si LJ. Aniya, malaking tulong sa kanyang negosyo ang kanyang efficient staff na naka-alalay sa kanya.

Star-Bazaar-3.jpg

“I’m very blessed na very efficient ang mga staff ko. And also we have the commissary doon sa basement ng house ko para at the same time monitored ko ang mga bata,” sabi pa ni LJ.

Sa kabila naman ng pagiging abala sa shoot ng upcoming Kapamilya series na The General’s Daughter, present din ang celebrity chef na si Janice dala ang kanyang mga homemade products tulad ng blueberry cupcakes, cheese cupcakes, choco chip cookies, white choco chip cookies at iba pang produktong pagkain.

Star-Bazaar-1.jpg

“For now, kaya pa ang schedule, per clusters kasi ang shoot namin (The General’s Daughter) hindi pa ganun ka bigat, so kaya pa, may time,” kuwento pa ni Janice.

Bukod kay Candy, LJ at Janice, kasama din sa Star Bazaar sina Shamcey Supsup, Neri Naig, Almira Muhlach, RR Enriquez, Diana Zubiri, TinTin Bersola, Bianca Lapus at Marlo Mortel.

Goal ng Star Bazaar ang magturo ng karagdagang kaalaman sa mga Pilipino sa pag-uumpisa ng kanilang sariling negosyo.