• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Jairus Aquino ipinakita ang non-showbiz GF sa presscon ng ‘Petmalu’

EXCLUSIVE: Jairus Aquino ipinakita ang non-showbiz GF sa presscon ng ‘Petmalu’

Ipinaliwanag ni Jairus Aquino kung bakit sumama ang kanyang girlfriend sa ibang showbiz events.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/18/2018 11:01 AM
EXCLUSIVE: Jairus Aquino ipinakita ang non-showbiz GF sa presscon ng ‘Petmalu’


Photo credits: @dothejairusaquino IG

 

Sa media conference ng pelikulang Petmalu na idinirek ni Joven Tan ay kasama ni Jairus Aquino ang non-showbiz girlfriend niya na nakaupo lang sa isang tabi.
 
Mas komportable ba siyang i-display sa public ngayon ang girlfriend kesa dati?
 
“Siguro po confident lang but not that confident naman po. Kumbaga, somehow as far as I know, nakikita ko na wala namang mali sa ginagawa ko, unless tao na mismo ang mag-isip na may mali sa ginagawa ko po,” simulang paliwanag ni Jairus sa interbyu ng PUSH.
 
“Siyempre, I’m proud sa kanya. Ito rin po kasi yung first din na I have this girlfriend, serious relationship and something na talagang nagkaintindiihan naman po kami siguro. Nagkataon lang na ganito, very open, pero still we want things private. We don’t want people to get into our relationship,” dagdaga niyang pahayag.
 
Eh, si girlfriend, is she comfortable na samahan siya sa showbiz events tulad ng presscon?
 
“She is very comfortable, actually sometimes, siya din talaga ang gustong sumama. Kasi she is very curious of what I do, sa work ko. Kaya parang siya, ‘I want to see how things work, I want to see kung anong nangyayari.’
 
“Kaya sumasama siya as long as okey na isama siya. Siyempre, nandon pa rin naman po yung parang merong hindi puwede, merong puwede,” sagot ni Jairus.
 
Mas lalo daw naiintindihan ng girlfriend niya ang klase ng trabaho niya bilang aktor sa pagsama-sama nito sa kanya sa ilang showbiz events.
 
Lahad ng binata, “Nagugulat siya, ‘Ah, ganun pala yon.’ Parang mas naiintindihan niya rin yung work ko, kung anong nangyayari sa akin, kung anong ginagagawa ko. Mas nagiging open-minded siya, mas nagiging more understanding.
 
“Hindi ko na kailangang i-explain sa kanya kung bakit busy ako. Naintindihan niya na rin naman po yun right from the start. There are times na I can’t be there o hindi namin magawa ito, na lumabas, naiintindihan niya yon.
 
“Pero ako kasi, I always see it to myself na parang may time for her, kaya parang hindi niya na rin nire-require o hinahanap sa akin yung ganung quality kasi ako po I have to give her time, hindi lang po trabaho, family, siyempre kailangan kong i-manage yung time ko,” huling paliwanag ni Jairus sa PUSH.
 
Ang Petmalu na prinodyus ng Red Nine Entertainment ay ipapalabas sa mga sinehan on September 5. Kasama ni Jairus sa pelikula sina Hashtags Vitto Marquez at Charles Kieron, Brian Gazmen, Marlo Mortel, Diego Loyzaga, Michelle Vito at marami pang iba.
 
Jairus will play the character of Lester in Petmalu na ayon sa director ng pelikula ay dapat abangan ng manonood dahil first time na ginawa ng aktor.