• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Ara Mina, pinuri ng mga netizen sa kanyang pag-arte sa ‘Araw Gabi’

EXCLUSIVE: Ara Mina, pinuri ng mga netizen sa kanyang pag-arte sa ‘Araw Gabi’

Rebelasyon ng totoong character ni Ara Mina highest rating ng ‘Araw Gabi’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/18/2018 10:54 AM
EXCLUSIVE: Ara Mina, pinuri ng mga netizen sa kanyang pag-arte sa ‘Araw Gabi’


 

Super happy si Ara Mina sa magandang feedback ng netizens sa pagganap niya bilang si Harriet de Alegre, ang ina ng bidang si Barbie Imperial sa afternoon series ng ABS-CBN na Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi.

Bumuhos sa internet ang papuri sa acting ni Ara sa mga eksenang bumalik na ang kanyang alaala bilang si Harriet. Bago ang rebelasyon sa tunay niyang pagkatao, Ara played the character of Amanda Rodriguez.

“Nagulat nga ako, ang daming nag-post at nag-congratulate sa akin sa social media. Napanood daw nila yung eksena at nahawa sila sa pag-iyak ko,” kuwento ng aktres sa PUSH.
 
Post ni @sirbossnatics09 sa IG: “Hands down to this ate girl named ARA MINA @therealaramina for nailing this part!!! No lines but u can feel her presence and those tears and her facial expression. #DekalibrengArtista #Petmalu
 
@forever_sila: “Galing mo talaga tita Amanda kahit wala ka linyang binitiwan pero naiyak ka…  kaya napabilib mo ako talaga sa galing mo @therealaramina. Kaya humanda ka celestina.

@fatima_krunger25: “@therealaramina this is your episode tita Amanda. Wala pong kupas ang galing ninyo sa pag-arte. Congratulations po! Superb acting. #ArawGabiFreedom

@simply_helenjoy: “Grabeee… yung kahit walang sasabihin, sa mukha mo pa lang makikita lahat ng emosyon na gustong iparating. Hindi ko na alam ilan beses ko nireplay yung scene nato ninyo ni lucas… goodjob madam ara mina. Ikaw ang isa sa pinakainaabangan ko sa Araw Gabi.

Ang naturang episode din ni Ara that day (August 10) sa Araw Gabi ang maituturing na highest-rating ng series mula nung umere ito. Nakakuha ang Araw Gabi ng 17% na rating laban sa 13% ng kalaban nitong programa.

“Nagpapasalamat talaga ako sa suporta nila sa programa namin at sa pag-appreciate nila sa efforts ko. Ang tagal ko ring hindi umarte at nagdrama… kaya ko pa pala,” pabiro niyang pahayag.

Kasama rin sa Araw Gabi sina JM de Guzman, Vina Morales, Rita Avila, RK Bagatsing, Jane Oineza, at marami pang iba.