Mariel De Leon, mas confident na umarte ngayon

May tatlong pelikulang ginagawa si Mariel De Leon ngayon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/17/2018 9:43 AM
Mariel De Leon, mas confident na umarte ngayon


Photo credit: @mariaangelicadl on IG

 

Hanggang ngayon ay nakatira pa rin si Mariel de Leon sa poder ng kanyang parents na sina Christopher de Leon at Sandy Andolong kahit 25 years old na siya.

Aniya, “I am still clinging with them. Yeah, dahil siguro sa Filipino values. I think I’ll just move out when I want to get married na which is matagal pa, super tagal pa.”

Wala ring boyfriend ang former beauty queen pagkatapos nilang maghiwalay ng former boyfriend bago siya sumabak noon sa Miss International pageant sa Japan.

“Dating-dating lang. For now, I want to concentrate on myself. Parang medyo selfish, pero in a good way, na parang… and I’m still young,” sey pa niya.

Masaya ring ibinalita ng FHM’s first digital cover girl na tatlong projects ang ginagawa niya ngayon. Kasama si Mariel sa cast ng Barbara Reimagined (remake ng Patayin sa Sindak si Barbara) na isang digital movie ng ABS-CBN, sa Latay (nina Allen Dizon and Lovi Poe) at sa isang sexy movie ng Regal Films.

Mas confident na ba siyang umarte ngayon kesa noong naging leading lady siya ni Coco Martin sa Panday?

“I’m more comfortable now than before, especially because of the fact na I’m more comfortable with myself and I’m working na din with my Tagalog para mas madali sa mga syuting and sa mga lines. Before kasi I was more scared, now I’m having fun.”

Eh, bakit ka scared?

“I guess, the comparison din with my parents kasi, the pressure. And also coming Binibini, parang they always expect the beauty queens to go into acting or to hosting, so parang I want to do it differently. I want to really give my all into the art of acting and not disappoint my parents,” tugon ng dalaga.

Bukod sa pag-arte, gusto ring i-pursue ni Mariel ang pagiging classical singer.

“I do want to pursue singing pero acting muna ang uunahin ko. For now I’m having singing lessons muna once a week para ma-develop pa yung voice ko, para more powerful,” sambit niya.

Aware ba siya na hindi masyadong “in” sa recording industry ang mga classical singers?

“I think, parang yon yung misconception ng mga tao na yung opera is for mga class A lang or elite, pero I don’t think it’s that way because I think music is for everyone.

“So I think what I can do is classical crossover, parang i-mix yung pop at classical,” katwiran pa ng dalaga.

Samantala, masaya siya sa feedback na natatanggap sa pagpo-pose niya sa isang digital magazine.

“I’m very happy kasi I see the posts of my friends and family and it’s nice to see them proud of how I’ve become to think I was a different story before, now that I am kind of flourishing in a way,” huling pahayag ng former beauty queen.