• Home
  • Fresh Scoops
  • Bakit naging emosyonal sina Melai, Karla at Jolina sa episode ng Magandang Buhay?

Bakit naging emosyonal sina Melai, Karla at Jolina sa episode ng Magandang Buhay?

Hindi napigilan ng tatlong momshie-hosts na maiyak sa message ni Jemimah sa inang si Dulce.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/17/2018 5:33 PM
Bakit naging emosyonal sina Melai, Karla at Jolina sa episode ng Magandang Buhay?


 

Naging emosyonal ang ang mga momshie-hosts na sina Melai Cantiveros, Karla Estrada at Jolina Magdangal habang nagbibigay ng mensahe si Jemimah Cruzata sa kanyang ina sa episode ng Magandang Buhay, August 17. Si Jemimah ay anak ng ‘Timeless Diva’ na si Dulce, at kasalukuyan ay isa rin singer.

Nang tinanong ni Melai si Jemimah kung ano ang pinaka-treasured moment niya kasama ang ina, ibinahagi ng dalaga ang mga bonding moments nila na kasama ang mga kapatid sa side ng unang asawa ni Dulce.

“There are times, hindi alam ni mama ‘to. Na kapag nagsasama-sama po kami sa bahay ng eldest brother ko, and nagkakantahan lang kami. Sometimes I steal a glance at mama, I can just see how happy she is na buo kaming magkakapatid,” hindi na napigilan ng mag-ina na maluha, maging ang tatlong hosts. 

“Kasi what matters to me is that my mom is happy because she deserves it and she’s been through a lot. And (she) deserves all the happiness in the world,” dagdag ng anak habang nagpupunas ng luha ang mga hosts. 

 

Sagot naman ng veteran singer, “Nakakatuwa talaga kasi ngayon ko lang din naman narinig sa kaniya na tinitignan pala nila ako.”

“Ako kasi parang ‘whatever comes,’ kasi siyempre may mga hurts na nangyari in the past. Kahit nanay ka, gusto mong gawin lahat. Hindi naman lahat naiintindihan. But Jem (Jemimah), since she was small, she really wants to communicate. She really wants to do something para mabuo ang pamilya, and I really appreciate that,” paliwanag ni Dulce habang naiiyak. 

Mapapanuod ang Magandang Buhay, Lunes hanggang Biyernes, mula alas-otso hanggang alas-nuebe y medya ng umaga.