• Home
  • Fresh Scoops
  • Winwyn Marquez on doing a remake of Alma Moreno movie: ‘Hindi ko kaya yung hubad’

Winwyn Marquez on doing a remake of Alma Moreno movie: ‘Hindi ko kaya yung hubad’

Inamin ni Winwyn Marquez na hindi niya kaya mag-hubad para sa isang pelikula.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/16/2018 8:49 AM
Winwyn Marquez on doing a remake of Alma Moreno movie: ‘Hindi ko kaya yung hubad’


Photo credit to the owner (R)

 

Sa interbyu ng PUSH kay Winwyn Marquez ay inamin nitong wala pa siyang napanood sa mga previous movies ng inang si Alma Moreno lalo na yung mga sexy films na ginawa ng aktres nung dalaga pa ito.

“Alam mo, sa totoo lang, hindi pa ako nakakapanood ng movies ni mama kasi wala akong kopya. Pictures lang ang nakikita ko sa kanya,” pag-amin ng leading lady ni Vhong Navarro sa pelikulang Unli Life na showing na ngayon sa mga sinehan mula sa Regal Entertainment.

Patuloy ng beauty queen, “Actually, naghahanap ako ng puwede kong mapanood na movies niya pero wala akong mahanap. Magpapahanap nga ako. Gusto ko rin siyempreng makita. Saan ba meron?”

Kakayanin ba niyang bumida if ever ire-remake ng Regal Entertainment ang pelikula ni Alma?

“Oo naman, why not? Kung mabibigyan talaga ng chance, why not?” mabilis niyang sagot.

“Pero wag lang yung.. kasi grabe naman yung nanay ko, sobrang seksi kasi talaga niya. Hindi ko mapapangako na kaya ko talagang gawin yung ganun. Parang hindi ko kayang bigyan ng justice.

“Kaya kong maging seksi pero nasa lugar yung pagkaseksi. Hindi dahil nag-pageant ako, puwede na akong mag-two-piece basta-basta. Hindi ganun, kailangan may reason,” sambit niya.

Partikular niyang sinabi na yung paghuhubad ng mama niya ang hindi niya kakayaning gawin.

Aniya, “Hindi ko kaya yung hubad. Pero yung mag-portray na seksi, kaya naman. Hindi ko lang kaya yung outfit ng nanay ko.

“Hindi ko pa ma-imagine ang sarili ko na ganun. Iba ang Alma Moreno, hindi ko kayang tapatan yung Alma Moreno.

“Kasi may sinabi sa akin, meron daw siyang movie na naka kamison siya tapos walang bra, so medyo hindi. Iba kasi yung panahon before, eh. Parang hindi ko ata kayang gawin,” napapailing niyang pahayag sa PUSH.