Ibinahagi ng I Can See Your Voice host Luis Manzano noong August 14 sa kanyang Instagram story ang isang clip na nagsasabing pinag-uusapan na nila ang “color theme” ng kasal nila ng kanyang girlfriend of two years na si Jessy Mendiola.
Sa video tinanong ni Luis si Jessy kung ano ang pinag uusapan nila.
“Ano pinag-uusapan natin ngayon?” sabi ni Luis.
“Color theme... ng wedding,” sagot ni Jessy.
Nang tinanong naman ng aktor kung kaninong wedding, sagot ni Jessy, “Natin.”
Kinikilig na reaksyon naman ni Luis ang nagtapos sa video clip.
Related Articles:
Jessy Mendiola sends comforting message to a sick Luis Manzano
Will Luis Manzano finally propose to Jessy Mendiola in Paris?