• Home
  • Fresh Scoops
  • Matapos ang ‘Bagani’, Makisig Morales break muna ulit sa showbiz

Matapos ang ‘Bagani’, Makisig Morales break muna ulit sa showbiz

Ang pag-aaral daw muna ang nais pagtuunan ng pansin ni Makisig Morales.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/16/2018 11:30 AM
Matapos ang ‘Bagani’, Makisig Morales break muna ulit sa showbiz


Photo credit: @makisig228 (R) on IG

 

Balik Australia daw muna ang aktor na si Makisig Morales para magpahinga matapos ang Bagani.

 

“Uwi muna ako ng Australia; magpapahinga po muna ako,” kuwento ni Makisig sa naganap na set visit ng PUSH at ABS-CBN News.

Ibinahagi din ng aktor ang kanyang plano na ipagpatuloy sa kanyang pag-aaral sa Australia.

 

“Hopefully until next year siguro para makasama ko muna ang family ko and mag-aaral din po muna ako ng Filming (Film School) siguro,” sabi pa niya.

Ayon kay Makisig, isa ang pagtatapos ng pag-aaral sa mga pangarap niya na makamit.

“Isa yun sa dream ko talaga, ang maging ano... director,” pahayag pa ng aktor.

Matatandaan na ang Bagani ang naging comeback project ni Makisig matapos na tumatak sa kanyang karakter bilang si Super Inggo.

Mapapanuod ang huling gabi ng Bagani ngyong darating Biyernes, Agosto 17.