Jed Madela at Radha, nasabihang 'mukhang trapo' noon

Ikinuwento ni Jed at Radha ang isang beses na sinabihan silang mukhang trapo sa isang show.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/16/2018 3:21 PM
Jed Madela at Radha, nasabihang 'mukhang trapo' noon


 

Sa episode ng Magandang Buhay August 16, ibinahagi nina Jed Madela at Radha (bokalista ng bandang Kulay noon) ang isang pagkakataon na sinabihan sila na mukhang trapo. 

“Ang hindi namin makakalimutan talaga, yung tinawag kaming trapo.” sabi ni Jed. Dagdag naman ni Radha “Oo, (sabi sa amin) ‘Uy ano, umayos kayo mukha kayong mga trapo.’”

“Nakabihis naman (kami). Pero siyempre pag medyo hindi ka kaseksihan. Lagi kaming naka black, naka-jacket.” kwento ni Jed.

“E yung kasama naming isa, naka-midriff, kumikinang-kinang, naka shorts,” dagdag din ni Radha.

Hindi naman ito dinamdam ng dalawang singer, at ayon pa kay Radha, nagkatinginan lang sila at nagpatuloy sa pagpe-perform sa nasabing show. 

Sa parehong episode, nagpasalamat si Momshie Karla sa guest na si Radha dahil sa oportunidad na mag-duet sila sa ASAP Versus noong August 12. 

Ayon kay Karla, matagal na silang magkaibigan ni Radha, “Noong 1991 pa. Hindi mo talaga inaasahan na magkakaroon ng pagkakataon na makaka-duet mo yung taong pinapanuod mo,” sabi ni Momshie Karla. 

“I really wanted to congratulate you last Sunday kasi talagang nakaka-impress ka. And I think we should encourage Karla to keep singing,” sagot naman ni Radha.

Sa ibang balita, naghahanda na ngayon si Jed Madela para sa nalalapit na 15th Anniversary Concert niya sa Big Dome sa November 16. Samantala, si Radha ay isa sa mga mag-peperform sa 12th Anniversary concert ng OutBox Media sa September 7, sa Metro Tent Convention Center.