• Home
  • Fresh Scoops
  • Here’s how Tessie Tomas became one of Daniel Padilla’s ninangs

Here’s how Tessie Tomas became one of Daniel Padilla’s ninangs

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/16/2018 8:40 PM
Here’s how Tessie Tomas became one of Daniel Padilla’s ninangs


 

Hindi alam ng karamihan na isa si Tessie Tomas sa mga ninang ng aktor na si Daniel Padilla. Kwento ni Karla Estrada sa Magandang Buhay, naging espesyal na bahagi si Tessie ng kanyang buhay noong ipinagbubuntis pa niya si Daniel.

“Suki kami noon sa 'Teysi ng Tahanan,' lagi kaming nandodoon. Noong time na 'yon, buntis ako kay Daniel at sinabi ko kay Tita Tessie. So, noong sinabi ko sa kanya noon eh ang ganda ng in-advise niya sa akin... 'Ingatan mo ang batang 'yan dahil 'yan ay isang blessing,” ani Karla.

"So, ako dahil batang-bata, I was 20, lahat nang nagiging close sa buhay ko noon ay ginawa ko talaga silang ninang," dagdag ni Karla. "Pero after kong manganak, hindi na kami nagkita [ni Tessie],” dagdag pa niya.

Hindi pa naman nagkikita ang The Blood Sisters star at ang kanyang inaanak ngunit kwento ni Daniel sa kanyang special message ay hindi daw nakakalimot si Tessie na magbigay ng mga regalo.

"Hello Tita Tessie, unang-una sa lahat, gusto ko lang pong magpasalamat dahil kahit hindi pa po tayo nagkikita ay never niyo pong nakalimutan ang birthdays at regalo niyo po sa akin. Maraming, maraming salamat po, Tita. Sana po soon ay magkita na po tayo. Ingat po kayo diyan, Tita, and enjoy po kayong lahat. I love you, guys,” ani Daniel.

WATCH: Tessie Tomas, nasorpresa sa mensahe ni Daniel Padilla

Natuwa naman si Tessie na inaming ‘big fan’ siya ni Daniel.

"Daniel, I'm so proud of you every time I see you on TV. Magkikita pa rin tayo, ha. Siguro naman may lakas pa ako na maging extra sa isa mong pelikula,” ani Tessie.