• Home
  • Fresh Scoops
  • From beauty queen to superhero, Kylie Verzosa ipinakilala bilang si Osyana

From beauty queen to superhero, Kylie Verzosa ipinakilala bilang si Osyana

Ibinahagi din ni Kylie Verzosa ang paghahanda para sa bagong role.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/16/2018 11:12 AM
From beauty queen to superhero, Kylie Verzosa ipinakilala bilang si Osyana


 

May bagong role sa isang movie si 2016 Miss Universe Kylie Verzosana gaganap bilang isa sa mga bagong aabangan na superhero.

Si Kylie ang napili ng Epik Studios na gumanap bilang si Osyana na nakabase sa Pinoy folklore na taga pagbantay ng karagatan.

“Ako si Osyana, isa siyang Badjao woman from the south. Very Pinoy ang character,” bungad ni Kylie sa History Con nitong nagraang Sabado, August 11.

 

“Ang role ko is to control the sea, puwede din siya mag-turn into water. Pero protector siya ng tribe niya [Badjao] at ng Pilipinas,” sabi pa ng beauty queen actress.

Kuwento pa ni Kylie, malaking adjustment ang kanyang ginagawa ngayon kabilang ang underwater training.

“Oo naman, pinaghahandaan din kasi ang mga project na ganito, and I’m lucky enough na may higit one year ang preparation ko for the role from diet, exercise, gym, tapos mag-train din ako for underwater stunts, swimming, and martial arts,” tugon pa niya.

Aminado din ang former beauty queen na kabilang sa kanyang adjustment ang pagtanggap sa kanya bilang isang showbiz personality

“Iba yung showbiz sa pageantry, marami akong natututunan. Iba din ang industriya kaya dahan-dahan na pinag-aralan ko ang pag-arte. And gusto ko talaga pag napunta ako sa isang industriya, maging sobrang galing ko doon,” sabi pa niya.

“Dream project ko ang mag-action and more pa doon, this movie shows women empowerment yung pagpapakita ng lakas ng isang babae hindi lang para sa pamilya, kundi para sa buong society,” pahayag pa ni Kylie.

Inaasahan na 2019 mag-uumpisa ang pagbuo ng istorya ni Osyana.