• Home
  • Fresh Scoops
  • Erich Gonzales, sa kanyang tatlong role sa ‘The Blood Sisters’: ‘Nakakapagod po siya’

Erich Gonzales, sa kanyang tatlong role sa ‘The Blood Sisters’: ‘Nakakapagod po siya’

Thankful din si Erich Gonzales sa naging suporta ng manunuod sa ‘The Blood Sisters.’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/16/2018 11:17 AM
Erich Gonzales, sa kanyang tatlong role sa ‘The Blood Sisters’: ‘Nakakapagod po siya’


 

Todo paghahanda na ngayon ang The Blood Sisters lead star na si Erich Gonzales para sa mga pasabog na aabangan ngayong Biyernes, Agosto 17.

Kuwento ni Erich, extra challenge para sa kanya ang pagganap sa tatlong katakter na sina Carrie, Erika, at Agatha.

“Hindi po talaga biro mag-portray ng tatlong character po pero sa tulong ng lahat, nakayanan naman po natin,” bungad ni Erich.

Aniya, maraming sakripisyo ang kanyang ginawa para mabigyang buhay ang magkakaibang karakter sa programa.

 

“I’m not complaining or anything pero totoong nakakapagod po siya, napakahirap gawin hindi lang po para sa akin kundi sa lahat ng tao behind the camera na 24-hours working. Pisikal kung pisikal din lahat ng puyat, pagod but all worth it naman po,” sabi pa ni Erich.

Ibinahagi din ni Erich kung sino ang kanyang paboritong karakter sa tatlong magkakapatid.

“Siguro, si Agatha, I had a fun naman po playing Agatha kasi yung personality niya kasi medyo may pagkabaliw. Hindi ko ma-describe,” sabi pa ni Erich.

 

Sino ang salarin? Si Carrie? Agatha? Erika? #TheBloodSisters

A post shared by Erich Gonzales (@erichgg) on

 

Sa huli, pinasalamatan naman ni Erich ang mga manunuod na hindi bumitiw sa kanilang programa.

“Thank you, thank you dahil na-appreciate nila ang trabaho ko. Ganun naman po talaga palagi e, ganun naman po sa lahat ng project, ibibigay po natin ang buong puso lahat at masasabi natin na at the end of the day, masasabi natin ginawa mo ang trabaho mo,” pasasalamat pa ng aktres.

Ngayong Biyernes, mapapanuod ang huling episode ng The Blood Sisters.