• Home
  • Fresh Scoops
  • CJ Ramos kasama na sa “Ang Probinsyano,” binigyang pag-asa ni Coco Martin

CJ Ramos kasama na sa “Ang Probinsyano,” binigyang pag-asa ni Coco Martin

Balik showbiz matapos makalaya sa pagkaka-kulong ang dating child actor na si CJ Ramos.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/16/2018 4:12 PM
CJ Ramos kasama na sa “Ang Probinsyano,” binigyang pag-asa ni Coco Martin


Photo credit: @cjramos.30 on IG

 

Ilang araw matapos makalaya sa pagkaka-aresto dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga, balik-showbiz na ang dating Ang TV child actor na si CJ Ramos. 

Sa kanyang instagram account ipinakita ni CJ ang isang selfie picture kasama si Coco Martin. Sa post, pinasalamatan at tinawag na Boss ni CJ si Coco Martin at naglagay ng hashtag na ‘Second Chance.’

READ:Former child actor CJ Ramos has a warning for people in showbiz: ‘Wag niyo nang subukan’

Nakilala si CJ Ramos noong 90’s bilang cast ng mga pelikulang Ang TV: The Adarna Adventure at Tanging Yaman.