Bugoy Drilon, ibinahagi ang ups and downs ng kanyang karera

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/16/2018 10:56 AM
Bugoy Drilon, ibinahagi ang ups and downs ng kanyang karera


 

Bigay todo sa pagbirit si Bugoy Drilon sa nakaraang media conference para sa kanyang Bugoy One Day, One Decade concert na celebration ng kanyang unang sampung taon sa showbiz.

“Masaya po ako sa unang dekada ko na nakaabot ako sa ganitong mileage ng career ko. I’m blessed na sa mga achievements,” masayang kuwento ng singer.

 

"D O N ' T B E A F R A I D T O F A I L. B E A F R A I D N O T T O T R Y".‼️

A post shared by B U G O Y (@bugoydrilon) on

 

Napa-throwback pa si Bugoy sa mga panahong hindi niya akalain na makakapasok siya sa isang singing contest at magkakapangalan.

“Hindi pa rin ako makapaniwala na aabot ako ng ten years. Actually po noon di ako makapaniwala na makakapasok ako sa competition so yun nakakatuwa lang na makita na ito ang hard work ko,” sabi pa ni Bugoy.

At aminado din ang singer sa mga issues at down moments niya sa kanyang career. Dito, natuto din siya na maging mapagkumbaba.

 

“If you’re a good artist, dapat you’re more humble. Hindi lang kasi talent mo ang mag-speak kundi ang connection mo sa tao,” pahayag pa ni Bugoy.

Magaganap ang Bugoy One Day, One Decade Concert sa darating na September 25 sa Kia theater sa Cubao.