• Home
  • Fresh Scoops
  • Alex at Toni Gonzaga, nagbigay ng update sa kanilang pelikula

Alex at Toni Gonzaga, nagbigay ng update sa kanilang pelikula

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/16/2018 10:59 AM
Alex at Toni Gonzaga, nagbigay ng update sa kanilang pelikula


 

Nag-celebrate si Alex Gonzaga ng kanyang isang taon bilang video blogger na mayroon ng lagpas isang milyon na subscribers.

Napa-throwback din si Alex sa kanyang pagsisimula na di niya inakala na magiging isang major na bahagi ng kanyang career.

“I felt na yung ginagawa ko sa mainstream parang nalilimitahan ako. Parang di ko naipapakita kung sino ang totoong ako. So dahil siguro parang hindi tanggap ng iba ang humor ko naisip ko na gumawa ng video vlog,” sabi ni Alex.

Dumating din para sumuporta ang ate ni Alex na si Toni Gonzaga.

“Parang ginawa niya lang itong therapy for herself para ma-express niya ang sarili niya. Tapos ngayon one year na siya tapos meron na siyang 1.4 [million] subscribers,” kuwento pa ni Toni.

Naikuwento pa ni Alex ang update sa pelikulang pagsasamahan nila ni kanyang ate kasama si Sam Milby na pag-aagawan nilang leading man.

 

“Ang movie namin is about magkapatid siyempre (laughs) na maglalaban para sa isang lalake. Parang love triangle siya pero magkapatid ang ano,” ani ni Alex.

Dream come true para sa kanilang magkapatid ang magkasama sa isang proyekto na first time na mangyayari.

“Dream namin na magkaroon ng movie together and it took a while kasi we are finding the right material na bagay sa amin, and ayun we are working with the best team, the best group. Pinapaganda talaga namin ang movie,” pahayag naman ni Toni.

May working title na Merry Merry Me ang pelikula na target maipalabas ngayong 2018.