• Home
  • Fresh Scoops
  • Mariel de Leon, di na daw outspoken tungkol sa political issues

Mariel de Leon, di na daw outspoken tungkol sa political issues

Di na rin daw pinapansin ni Mariel de Leon ang pambabash sa kanya sa social media.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/15/2018 8:27 AM
Mariel de Leon, di na daw outspoken tungkol sa political issues


Photo credit: @mariaangelicadl on IG

 

Ibang Mariel de Leon na ang humarap sa ilang entertainment press sa pocket presscon na ipinatawag ng kanyang management para i-announce ang kanyang pagiging FHM’s firs digital cover girl.

Hindi na raw siya katulad ng dati na very opinionated and outspoken sa mga issues na may kinalaman sa pulitika at kung anu-ano pa.

Ano’ng dahilan ng kanyang biglaang pagbabago?

“Well, because I started thinking about my family and they brought me closer to the CCF community which is a Christian church. They taught me to be more positive and less judgmental,” rason ng anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Hindi na rin daw niya maalala kung anong mga harsh comments ang nasabi niya noon sa social media.

“There’s so many and I don’t know na. All of them were harsh but wala na akong paki sa negative comments,” sey pa ng beauty queen.

Nagbigay din kaagad ng pahayag si Mariel sa posibleng sasabihin ng ibang tao sa pagpo-pose niya sa FHM kahit pa isa na siyang Christian ngayon.

“I think a lot of people will also say, ‘Oh, if you’re Christian why are you posing for FHM?’ But then, what I want to say then is, I’m also all for body positivity and being confident in your own skin and to really accept yourself and love yourself now matter what people say,” wika pa niya.

Hindi naman daw maituturing na brave move ang ginawa niyang daring pictorial for a digital magazine.

“Well, I don’t think so kasi parang sa Binibini lang na nakabikini ako. For me, it’s like lingerie and bikini is kind of the same thing.”

Hindi rin daw niya kinailangang magpapayat pa before the pictorial.

Sabi ni Mariel, “I just came there as I am. I didn’t change anything na bigla. I still want to be healthy but do it in a slow way.

“I didn’t want to pressure myself too much kasi mai-stress lang ako and I won’t look good sa pictures.”

Sinigurado rin ng dalaga na hindi bastos lumabas ang kanyang pictorial.

“Well, I assured naman my parents na may limits. I talked to my manager na dapat may limits, I don’t show too much at dapat classy pa rin yung photo shoot.

“Cleavage lang. Cleavage side pero not super revealing. And surprisingly I was comfortable even in the revealing outfits. I was confident, comfortable because everyone on set was very nice,” pahayag pa ni Mariel sa PUSH.