Pinatunayan ni Kris Aquino na hindi niya kailangang maging parte ng pulitika upang tumulong. Ito ay matapos niyang ibahagi sa Instagram ang kanyang pagpunta mismo sa H. Bautista Elementary School sa Marikina City matapos mabaha ang ilang residente dahil sa habagat.
Nagdala ang assistants ni Kris ng pagkain, sabon, shampoo, pagkain at iba.
Kasalukuyan pang nagpapagaling si Kris mula sa kanyang sakit ngunit pinilit pa rin niyang magpunta at personal na i-abot ang kanyang donations dahil na rin sa iniwang payo ng kanyang yumaong ina na si Cory Aquino.
“Sinabihan akong pahatid na lang kasi di pa malakas ang katawan. Pero turo ng mom, sa gitna ng sakuna, mahalaga ang personal na effort. Worth it po kasi naparamdam ko sa kanila- hindi kailangang naka posisyon para magbigay ng tulong at maki-simpatya sa mga kapwa Pilipino,” ani Kris.
“It was my honor to give back to my country. And w/ no political agenda (bawal po sa endorsement contracts)- itutuloy ko po ang mag-share ng blessings na tinatanggap namin ni kuya josh & bimb. God bless you all,” dagdag pa niya.
Sa comments, inihambing naman siya ng isang netizen kay Angel Locsin na tumulong din sa mga nasalanta ng habagat at sinabi naman ng Queen of All Media na isang inspirasyon ang aktres.