Kris Aquino, tumulong sa mga nabaha ng habagat sa Marikina

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/15/2018 2:22 PM
Kris Aquino, tumulong sa mga nabaha ng habagat sa Marikina


Photo credit: @krisaquino on IG

 

Pinatunayan ni Kris Aquino na hindi niya kailangang maging parte ng pulitika upang tumulong. Ito ay matapos niyang ibahagi sa Instagram ang kanyang pagpunta mismo sa H. Bautista Elementary School sa Marikina City matapos mabaha ang ilang residente dahil sa habagat.

Nagdala ang assistants ni Kris ng pagkain, sabon, shampoo, pagkain at iba. 

Kasalukuyan pang nagpapagaling si Kris mula sa kanyang sakit ngunit pinilit pa rin niyang magpunta at personal na i-abot ang kanyang donations dahil na rin sa iniwang payo ng kanyang yumaong ina na si Cory Aquino.

“Sinabihan akong pahatid na lang kasi di pa malakas ang katawan. Pero turo ng mom, sa gitna ng sakuna, mahalaga ang personal na effort. Worth it po kasi naparamdam ko sa kanila- hindi kailangang naka posisyon para magbigay ng tulong at maki-simpatya sa mga kapwa Pilipino,” ani Kris.

“It was my honor to give back to my country. And w/ no political agenda (bawal po sa endorsement contracts)- itutuloy ko po ang mag-share ng blessings na tinatanggap namin ni kuya josh & bimb. God bless you all,” dagdag pa niya.

 

Kalurx- tadhana nga naman (yung name ng school 😅)... I am from the 3rd district of QC. Nagtanong po ako sa mayor namin kung meron pang matutulungan- no need na daw. Called my friend, Cong Bolet Banal- he said: “Kris, si Cong Miro ng Marikina ang nagulpi ang area- kapitbahay natin.” We communicated, inubos ni Alvin & Bincai ang Ariel, Pantene, Safeguard, Cheez Whiz, and Lucky Me from both Pure Gold & SM Hypermart. Sinabi kong try namin magdala ng mainit na hapunan- malayo ang branches ko ng Chowking so dun sa malapit na branch ako nakapag bulk order. May ready stock kami sa house na Unipak & Healthy Family. Sinabihan akong pahatid na lang kasi di pa malakas ang katawan. Pero turo ng mom, sa gitna ng sakuna, mahalaga ang personal na effort. Worth it po kasi naparamdam ko sa kanila- hindi kailangang naka posisyon para magbigay ng tulong at maki-simpatya sa mga kapwa Pilipino. It was my honor to give back to my country. And w/ no political agenda (bawal po sa endorsement contracts)- itutuloy ko po ang mag-share ng blessings na tinatanggap namin ni kuya josh & bimb. God bless you all. #lovelovelove 🇵🇭 (Song credit: i will be here by Gail Blanco from my Universal Records album My Heart’s Journey)

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on

Sa comments, inihambing naman siya ng isang netizen kay Angel Locsin na tumulong din sa mga nasalanta ng habagat at sinabi naman ng Queen of All Media na isang inspirasyon ang aktres.