• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Barretto on doing intimate scenes with Joshua Garcia in ‘Ngayon at Kailanman’: ‘I’m very open’

Julia Barretto on doing intimate scenes with Joshua Garcia in ‘Ngayon at Kailanman’: ‘I’m very open’

Masaya si Julia Barretto na nagiging mas mature na ang roles nila ni Joshua Garcia.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/15/2018 8:29 AM
Julia Barretto on doing intimate scenes with Joshua Garcia in ‘Ngayon at Kailanman’: ‘I’m very open’


 

Aminado si Julia Barretto na matagal din niyang hinintay ang pagkakataong magbida silang dalawa ni Joshua Garcia sa isang teleserye at natupad nga ito sa Ngayon At Kailanman ng Star Creatives kaya sobrang grateful daw siya sa ABS-CBN. Yon nga lang, hindi rin daw maiiwasan na makaramdam siya ng pressure.

Ani Julia, “Of course, pressure comes within, pero siguro right now kasi, mas gusto ko na lang siyang gawing biggest motivator ko to really do good sa pinapagawa sa akin. Na hindi ko ma-disappoint ‘yung network, of course, ‘yung creatives natin.”

Patuloy ng aktres, “I think, more than anything, I’m just so, so grateful. I think, more than feeling pressured, more than feeling nervous, I’m so grateful because kay tagal kong hinintay ang panahong ito, kay tagal kong hinintay ‘yung moment na ‘to and God has been so amazing.

“So mas nagpapasalamat ako and gusto na lang talagang mag-focus at pagbutihan na lang ‘yung trabaho para ma-proud naman po ‘yung mga nagtiwala sa amin ni Joshua.”

Hindi rin itinanggi ng JoshLia na nakakatulong nang malaki sa kanilang dalawa na meron silang relasyon o espesyal na nararadaman sa isa’t isa para mas maging komportable sila sa mga eksenang ginagawa.

Handa na ba si Julia about doing intimate and sensual scenes with Joshua sa Ngayon At Kailanman?

“I’m very open,” diretsahang sagot ni Julia na halata namang sinang-ayunan din ni Joshua.

“No, but you know, honestly, because I feel like we’re also above 20, we’re 21, we’re turning 22. I also feel like it’s also healthy to be able to explore and take a little bit of risk because in reality naman, when we fall in love, di ba, there are no limitations in falling in love.

“So, I’m sure, the creatives are going to do something about that from the start. And I’m happy because feeling ko, sa Ngayon at Kailanman, mas nagiging mature na ‘yung roles namin and we’re adults na so, I’m very much open,” dagdag niyang paliwanag.

Kasama nina Julia at Joshua sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN sina Ina Raymundo, Iza Calzado, Alice Dixson, Jameson Blake, Rio Locsin, Ronnie Lazaro, at marami pang iba.

Magsisimula na ang Ngayon At Kailanman sa August 20.