• Home
  • Fresh Scoops
  • Former ‘Darna’ actress Vilma Santos approves of Liza Soberano

Former ‘Darna’ actress Vilma Santos approves of Liza Soberano

Vilma Santos gives a thumbs up to Liza Soberano as Darna and to Jessy Mendiola as a future daughter-in-law.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/15/2018 9:16 AM
Former ‘Darna’ actress Vilma Santos approves of Liza Soberano


 

Sa interview ni Mario Dumaual para sa TV Patrol kay Vilma Santos, binigay ng Star for All Seasons ang kanyang blessing at tiwala kay Liza Soberano para maging susunod na Darna sa kabila ng mga batikos na hindi niya kaya ang role. “Ibig sabihin meron siya, meron siyang magic to play the role of Darna.”

Sinamahan pa ito ng isang message ni ate Vi, one of the most memorable actresses to put on the Darna costume. “To her (Liza), I wish you all the best at kayang kaya yan, ang importante lang, paninindigan.”

Hindi rin nakaligtas ang veteran actress at politician sa tanong kung kailan niya magiging official manugang si Jessy Mendiola, na dinaan sa pabirong sagot ni Ate Vi at kunwari hindi niya narinig ang tanong: “Wedding ng aking sino? (laughs)” pero in a more serious tone, anya, “Iniintay ko rin, kay Luis, Jessy, they’re very happy, very happy.”

Pagpapatuloy ni Ate Vi: “Basta si nanay, andito lang anak, kung kailan nyo na gusto, andito lang ako. Wala naman akong tutol eh.” Finishing with a thumbs up to show her support.