LizQuen, break muna para sa kanilang solo projects?

Matapos ang Bagani Liza Soberano paghahanda an na ang Darna

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/14/2018 2:14 PM
LizQuen, break muna para sa kanilang solo projects?


 

Todo paghahanda ang buong cast ng hit primetime telerserye na Bagani para sa kanilang nalalapit na pagtatapos ngayong Biyernes, (August 17).

Dito, ibinahagi rin ng aktres na si Liza Soberano ang kanyang puspusan na paghahanda para naman sa kanyang bagong role bilang si Darna.

“I’ll be doing Darna? Yeah right away, and he [Enrique Gil] might do another project right away,”bungad ni Liza sa naging panayam ng press sa kanya.

“I’ve been training continuously, despite na mayroon akong taping, and shooting na ginagawa so, I make sure I get to the gym at least 5 or 4 times a week,”paliwanag ni Liza.

Dahil may kanya kanyang solo projects, ani ni Liza na maghihiwalay muna daw ang tambalang LizQuen sa ngayon.

“Separately for a while, well matagal na kami nagsama sa Bagani so mag-separate lang kami because I’ll be doing Darna, but after Darna we’ll be back together,” sabi pa niya. 

Paliwanag pa ni Liza, matapos ang kanilang solo projects, asahan ang muling pagbabalik nila ni Enrique sa kanilang mga proyekto bilang love team.