• Home
  • Fresh Scoops
  • Juliana Parizcova Segovia, inaming minsan nang naiyak dahil sa mga bashers online

Juliana Parizcova Segovia, inaming minsan nang naiyak dahil sa mga bashers online

Ikinuwento ni Juliana Parizcova Segovia kung paano niya sinagot ang isang online basher na nagpaiyak sa kanya.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/14/2018 2:00 PM
Juliana Parizcova Segovia, inaming minsan nang naiyak dahil sa mga bashers online


 

Sa episode ng Magandang Buhay ngayon, August 14, inamin ng Miss Q and A grand winner na si Juliana Parizcova Segovia na minsan ay napaiyak na siya dahil sa mga online bashers.

“’Yung panlalait sa akin (nang) mula ulo hanggang paa, sanay na ako doon noon pa, eh. Pero ‘yung madadamay na ‘yung mga taong mahal ko, mama ko, mga kaibigan ko. Parang hindi (ko) na mapigigilang hindi sumagot, at ‘pag sumagot ka, hindi (pa) matatapos.” 

“Tapos pag (na-view) mo (yung profile) sa Facebook, iisa ang picture, hindi mo mahagilap san siya hahanapin. Kaya parang ‘yung gigil mo, iiyak mo na lang.”

Ikinuwento rin ng gay beauty queen kung paano niya sinagot ang isang basher na dinamay pati ang nanay niya. 

“Noong bago lumabas ang (feature ko) sa MMK (Maalaala Mo Kaya), ang daming comment doon ng iisang tao na, ‘Bakit niyo ba pinag-aaksayahan ng panahon ‘yang panget na ‘yan.’ ‘Bakit sa lahat ng dyaryo, sa TV, siyang mukha lagi nakikita ko.’ Tapos binasa ko nang binasa. ‘Naku, e yung nanay niyan, gagamitin lang naman niyan para magkapera.’” 

“Doon ako naloka, sabi ko, ‘Ano ba problema nitong taong ‘to? Kumikita ba sila? Nagkakapera ba sila pag gumagawa sila ng fake account para mang-bash ng tao?’”

“So nireplayan ko siya, ‘Uy thank you ah. Napatunayan ko na isa ka sa mga nag-aaksaya ng panahon para sa akin.’ ‘Yung lang sinabi ko, tapos hindi na siya sumagot,” kwento ni Juliana. 

READ:Juliana Parizcova Segovia shares what she will do with her Miss Q&A prize