• Home
  • Fresh Scoops
  • Joshua Garcia, ibinahagi ang bagong challenge sa kanyang karakter sa Ngayon at Kailanman

Joshua Garcia, ibinahagi ang bagong challenge sa kanyang karakter sa Ngayon at Kailanman

Nagpapasalamat si Joshua sa suportang binibigay sa kanya ng kanyang mga kasamahan sa teleserye.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/14/2018 2:06 PM
Joshua Garcia, ibinahagi ang bagong challenge sa kanyang karakter sa Ngayon at Kailanman


 

Malaking paghahanda ngayon ang ginaawa ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia para sa kanyang telerserye sa Ngayon at Kailanman.

Bukod kasi sa new look, pinaghandaan din daw ni Joshua ang kanyang karakter bilang si Inno.

“Dito po kasi iba yung character ko, parang kumabaga nag-switch kami ng character (ni Julia Barretto) ako naman ang mayaman, siya yung mahirap,” sabi ni Joshua sa naganap na media launch ng bagong Kapamilya telerserye kahapon, August 13.

Ayon kay Joshua, isang malaking challenge ang pagsasalita niya ng English.

“Challenging din dito pag may confrontation scene na, tapos English,” masayang kuwento ni Joshua.

“Mahirap po mag-English, yun po ang pinaka-challenging sa lahat, and the way ng pag-deliver dapat spontaneous, bawal ang buckle, dapat fluent bawal magkamali, tama dapat ang bigkas,” dagdag pa niya.

Hamon man daw ito para sa aktor at ipinagpasalamat din daw niya ang suporta ng programa para sa kanya.

“Nagbigay talaga sila ng speech coach so bago sumalang sa eksena, iko-coach muna nila ako,” pahayag pa ni Joshua.

Mapapanuod na ang Ngayon at Kailanman sa primetime bida ng ABS-CBN.