Ian Veneracion pinagtawanan ang fake news na patay na siya

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/14/2018 8:28 AM
Ian Veneracion pinagtawanan ang fake news na patay na siya


 

Hindi makapaniwala ang ilan sa followers ni Ian Veneracion nang i-post ng aktor ang isang screenshot ng isang website kung saan isinasaad nito na namatay na siya mula sa isang motorcycle accident. 

Dinaan na lang sa biro ni Ian ang reaksiyon niya sa balita at sinabing, "Kaya pala di ako pinapansin ng asawa ko!" 

 

Kaya pala di ako pinapansin ng asawa ko 😂🤣

A post shared by Ian Veneracion (@ianveneracion1) on

May ilang kaibigan na celebrities si Ian tulad ni Iza Calzado, ang di rin nakapigil sa pag-comment sa balitang ito.