• Home
  • Fresh Scoops
  • Direk Antoinette Jadaone, ikinuwento kung paano katrabaho si Charo Santos

Direk Antoinette Jadaone, ikinuwento kung paano katrabaho si Charo Santos

Gusto din ni Antoinette Jadaone ma-direk sina Piolo Pascual at Judy Ann Santos sa isang project.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/14/2018 9:29 AM
Direk Antoinette Jadaone, ikinuwento kung paano katrabaho si Charo Santos


 

Sa kuwento ni Direk Antoinette Jadaone, nagulat siya na tinanggap ni Charo Santos ang role bilang ina ni Nathan, character ni Piolo Pascual, sa katatapos lang na serye ng ABS-CBN na Since I Found You.

“Nagustuhan niya yung tatakbuhin ng character ng nanay ni Nathan tapos parang tinanong niya kung meron nang na-cast for that. Sabi niya, ‘Ba’t hindi ako?’ pero joking.

“Actually, puwede talaga siya pero hindi namin in-expect na magugustuhan niya yung role. Parang suntok sa buwan kasi siya, so nagulat kami.

“Tapos nung sinabi namin… kasi puwede, eh, bagay yung role sa kanya, so yon pumayag siya. So, nagawan ng paraan sa schedule,” kuwento ng lady director.

Kumusta naman ang experience na makatrabaho ang isang Charo Santos?

Aniya, “Nakaka-ano… very overwhelming. Parang akala mo ano siya, superstar pagdating sa set, pero actually very down to earth na tao, na artista.

“Akala namin sobrang ano siya... pero actually pag nando’n siya, ‘ay, ba’t n’yo ako ginaganito?’ Siya yung nagsasabi na parang huwag n’yo akong i-treat na ano, superstar, kasi nandito ako para umarte, hindi as presidente ng kung anong company. Overwhelming.”

Naibahagi rin ni Direk Tonet ang experience niya working with Piolo Pascual sa katatapos lang na series.

“Nung una po, na-star struck ako nung nag-scriptcon pa lang ako sa pelikula nila ni Regine Velasquez. Do’n ako na-star struck, pero after non, parang naging ano ko siya, parang naging friend. So parang kahit na sa set po kami, kaya very light lang yung tratuhan namin. Tsaka mabait talaga si Piolo,” sey pa niya.

Aminado ang romcom director na mami-miss niya ang cast ng serye at ang taping na ginagawa niya tuwing Monday, Wednesday, and Friday.

“Yung MWF na pag gigising ka alam mo na Since I Found You day. Na kahit mahihirap yung mga gagawing eksena, maraming kukunan for the day. Nakaka-miss yon.”

May passion project na pinaghahandaan ngayon si Direk Tonet. Pero ayaw muna niyang mag-elaborate tungkol ditol

“Meron pero hindi pa ano, eh, baka ma-jinx eh. Nagpi-pitch pa lang ako, pero yon.

“Nakadepende po sa script pero kahit nung dati pa gusto ko sina Piolo at Juday (Judy Ann Santos) na gawan ng movie, pero ewan ko kung ano. I will try.

“Super fan po ako ng Piolo-Juday nung Till There Was You and Don’t Give Up… College ako non, kaya ako nag-apply kay Direk Joyce (Bernal) dahil yon yung napanood kong mga romcom.

“May concept na ako, pero hindi ko alam… Siguro tamang time, panahon, timing. Pinitch ko na kay Direk Joyce (Bernal), eh, ewan ko lang kung matutuloy,” huling pahayag niya sa PUSH.