• Home
  • Fresh Scoops
  • Bakit naging emosyonal si Yam Concepcion sa episode ng Magandang Buhay?

Bakit naging emosyonal si Yam Concepcion sa episode ng Magandang Buhay?

Naging emosyonal si Yam Concepcion nang mapag-usapan ang kanyang mga magulang.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/14/2018 4:09 PM
Bakit naging emosyonal si Yam Concepcion sa episode ng Magandang Buhay?


 

Naging emosyonal ang Halik lead star na si Yam Concepcion nang mapag-usapan ang tungkol sa kaniyang ama sa episode ng Magandang Buhay, August 13. 

 

Ayon sa aktres, hindi niya nakasama at nakausap ang ama simula nung bata, “Bata pa lang ako, parang never ko na siya nakasama.”

“Siyempre ‘nung bata ako, hindi ko pa naiintindihan. Hindi ko nga naisip na, ‘Bakit nga wala akong daddy?’ Parang siguro at a young age, hindi ko kinuwestyon ang mommy ko,” kwento ni Yam.

Dagdag pa niya, lubos ang pasasalamat niya sa ina na tumayong ama na rin sa kanya, “Wala siyang pagkukulang sa akin. Nabigay niya sa akin ‘yung pagmamahal ng isang nanay at tatay.” 

Ibinahagi naman ng kanyang ina na si Mommy Lilybell kung gaano sila ka-close ng kanyang anak. Ayon sa ina, nagkaroon sila ni Yam ng documented na kasunduan na magbo-boyfriend lang ang anak ‘pag umabot ito ng 18 years old. 

“Nung bata yan, noong 13 (years old) siya, meron kaming kasunduan in writing na hindi siya magbo-boyfriend, not until she’s 18. Natupad, kasi 21 na nga (nagka-boyfriend),” kwento ng ina.

 

Family time <3 @freyschlag

A post shared by Yam Concepcion (@yamconcepcion) on

Patuloy namang naging emosyonal si Yam nang magbigay ng mensahe sa kanyang nanay. “Una, gusto kong magpasalamat. ‘Di ko naman nasasabi sa’yo every day, kahit magkasama tayo lagi, how much I appreciate you and how much I love you,” umiiyak na sinabi ni Yam. 

“Ipapangako ko sa’yo… Basta palagi tayong magkasama forever,” dagdag pa niya.

Isa si Yam sa mga lead cast ng bagong teleserye sa ABS-CBN Primetime na Halik kasama sina Jericho Rosales, Sam Milby at Yen Santos. Mapapanuod ang Halik araw-araw pagkatapos ng Bagani

READ:How does long-distance relationship work for Yam Concepcion and her boyfriend of almost 4 years?