• Home
  • Fresh Scoops
  • Young JV, nilinaw na walang third party sa hiwalayan nila ni Miho Nishida

Young JV, nilinaw na walang third party sa hiwalayan nila ni Miho Nishida

Young JV says he and Miho are still communicating with one another.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/13/2018 5:32 PM
Young JV, nilinaw na walang third party sa hiwalayan nila ni Miho Nishida


 

Sa isang press interview pagkatapos ng National Sisters Day kahapon August 12, nilinaw ng Kapamilya singer na si Young JV, ang isyu ng third party sa napabalitang hiwalayan nila ng Pinoy Big Brother Big Winner na si Miho Nishida.  

Ayon sa singer, hindi third party ang dahilan kundi personal na isyu sa side ni Miho. “It was a decision we had to make. Ngayon, she’s undergoing something (personal) which I respect, sabi ko gusto ko lang naman maging happy siya,” paliwanag ni JV singer. 

Nang tinanong kung totoo ang pinost ng ina na sinasabing sa text lang nakipaghiwalay si Miho, sagot naman ni JV, “Bilang nanay, worried lang siya sa akin. No comment ako sa pinost (ng mommy ko), kasi di ko alam kung anong gusto niyang sabihin dun, nagulat na lang ako na may issue na.”

Nais ding linawin ni Young JV na wala silang sama ng loob sa isa’t-isa ni Miho. “Good friends (pa rin) kami. Okay kami, and we’re (still) talking. Sabi ko sa kanya, nandito lang ako.”

Kakalabas lang ng pinakabagong single ni Young JV na Bad for Me sa Spotify at Youtube.

Mapapanuod din siya sa Ipaglaban Mo sa ABS-CBN, ngayong darating na Sabado kasama sina Aljur Abrenica at Jon Lucas.