• Home
  • Fresh Scoops
  • Myrtle Sarrosa reveals why she chose to date a non-showbiz guy

Myrtle Sarrosa reveals why she chose to date a non-showbiz guy

Ibinahagi rin ni Myrtle ang mga aabangang pelikulang pagbibidahan niya - ang Wonder Bra at Papa Pogi.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/13/2018 6:18 PM
Myrtle Sarrosa reveals why she chose to date a non-showbiz guy


 

Bilang brand ambassadress ng Megasoft Sisters, bumida si Myrtle Sarrosa sa naganap na National Sisters Day nito sa Star Mall Alabang noong Linggo, Agosto 12. 

 

😴😴😴

A post shared by Myrtle Sarrosa (@myrtlegail) on

Sa interview ng ABS-CBN matapos ang nasabing event, ipinaliwanag ni Myrtle kung bakit mas pinili niyang makipagdate sa non-showbiz na kaibigan. “Parang complicated masyado ‘pag showbiz relationships,” aniya. 

”Natutunan ko kasi na ‘yung mga relationships, hindi niyo naman kelangan i-broadcast sa lahat ng tao para malaman kung anong meron kayo. It’s really between two people. 

“Mahirap kasi pag sa showbiz ang dami rin outside factors. At siguro mas maganda pa rin sa akin itong taong dine-date ko outside showbiz para may matutunan talaga ako sa kanya na iba sa mundo ng showbiz,” sabi pa ng aktres.

Ayon kay Myrtle, video games ang madalas na bonding nila ng manliligaw. “Kasi nagkakilala naman kami thru video gaming. So bonding na din namin pag busy ako sa taping, nagkakausap na lang kami pag magkalaro ng video games.” 

 

‘Grateful’ naman ang nararamdaman ngayon ng ex-PBB Housemate dahil sa mga blessings na natatanggap niya ngayong taon. Ipapalabas na ang pinagbibidahan niyang superhero movie na Wonder Bra sa September 12. Kasama rito si Kakai Bautista, ang pelikula ay mula sa direksyon ni Joven Tan. 

Kasalukuyan din nag-shu-shoot ang aktres para sa pelikulang Papa Pogi kasama ang It’s Showtime host na si Teddy Corpuz. Ang pelikula ay isang romantic comedy at ipo-produce ng Regal Films.