• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Makisig Morales, inaming hiwalay na sila ng non-showbiz GF of 5 years

EXCLUSIVE: Makisig Morales, inaming hiwalay na sila ng non-showbiz GF of 5 years

Ipinaliwanag din ni Makisig Morales kung bakit siya babalik ng Australia pagkatapos ng Bagani.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/13/2018 8:13 AM
EXCLUSIVE: Makisig Morales, inaming hiwalay na sila ng non-showbiz GF of 5 years


 

Sa exclusive interview ng PUSH kay Makisig Morales sa thanksgiving presscon ng Bagani ay hindi na nito itinanggi na hiwalay na sila ng non-showbiz girlfriend na si Vianne Lacay.

“Wala na kami,” pabulong niyang pahayag sa amin.

Hindi na idinitalye ni Makisig kung kailan sila naghiwalay ng non-showbiz girlfriend na nakarelasyon niya for almost five years.

“Basta long story,” dugtong niya. “But I’m alright… siyempre nangyayari talaga yan sa buhay.”

Dahil ba sa trabaho niya bilang isa sa mga Bagani kaya sila naghiwalay ng ex-GF?

“Isa na siguro sa factor yon. She is busy in her life and I’m very busy in my life too,” pag-amin ng aktor.

Hindi ba natindindihan ng GF niya ang klase ng kanyang trabaho?

“Yeah, pero ano kasi… dumating na sa point na yon nga, wala na kaming time pareho. Super busy siya, super busy rin ako,” sagot ni Makisig.

Sa palagay ba niya magiging maayos pa ang lahat sa kanilang dalawa?

“We’ll see, hopefully. I’m still praying for it,” matipid niyang tugon.

Ang break up ba nila ng dating kasintahan ang dahilan kung bakit uuwi na siya ng Australia?

“Hindi naman. Pero siguro, para kumalma rin muna dahil sa mga nangyari, stress,” sambit niya.

Eh, bakit siya babalik ng Australia? “I need to rest and to be with my family. Ako lang kasi mag-isa dito, eh, and it’s kinda hard.

“Kasi parang nakaka-miss sila, eh. Medyo nakaka-burn out din at saka at the same time, wala yung family ko dito. Hindi kasi ako sanay, marami kasi kaming magkakapatid.

“Yung family ko super close kami at hindi ako masyadong sanay na nalalayo sa kanila. Pero siyempre, eventually, I have to ano, lalo na kung may stable job na ako.

“For a while lang naman. Kasi siyempre, hindi ko rin maiiwan ito talaga, this is my passion, eh, so babalik at babalik talaga ako,” paliwanag pa niya.

Samantala, habang nasa Australia ay balak na ring mag-aral ni Makisig ng filmmaking.

“Kukuha ako ng six months course doon para if ever na babalik ako, meron na rin akong ibang puwedeng i-offer, hindi lang yung pag-arte ko,” huling pahayag niya sa PUSH.