• Home
  • Fresh Scoops
  • Enrique Gil wants to take a break from showbiz after “Bagani”

Enrique Gil wants to take a break from showbiz after “Bagani”

The actor says he realized he has given a lot of his time and energy to showbiz in the past 10 years.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/13/2018 8:31 AM
Enrique Gil wants to take a break from showbiz after “Bagani”


 

Magkahalong emosyon ang nararamdaman ni Enrique Gil at ng iba pang bida ng Bagani sa nalalapit na pagtatapos ng hit primetime series.

Kuwento ni Enrique, dahil sa sunod-sunod na taping at proyekto, nais muna daw niya na magpahinga sandali bago tumanggap muli ng panibagong proyekto.

“Na-realize ko lang na parang I gave my whole life to ABS-CBN for 10 years, siyempre tumatanda na din ang mom ko, yung kapatid ko she’s grown up,” sabi ni Enrique sa entertainment press.

“I just felt I lost another few years with them, kasi I gave my whole life to showbiz, and I felt I can’t take that away from them and I wouldn’t change it for the world naman ‘di ba,” dagdag pa niya.

Aminado din ang Kapamilya actor na maraming oras ang kanyang ibibuhos para sa kanyang trabaho.

“Sometimes it will bounce into you na ‘there’s more to life than just the work, family is more important.’ Kailangan mo magtrabaho para sa pamilya mo, pero sa ‘kin mas importante minsan na makasama mo ang pamilya mo, kahit konting oras lang,” sabi pa niya.

Sinabi din ng aktor na nakakaramdam din siya ng pagod mula sa mga trabaho na kanyang gingawa.

“Siguro sa schedule lang, nagpatong-patong lang, it gets really tiring also.  We’re fixing the schedule na hindi ko kaya yung super ratsada, compare to how many years na nagsimula ako. Sabi ko relax muna tayo konti ngayon,” paliwanag  pa niya.

Nang tanungin naman ang aktor kung gaano pa katagal niya nakikita ang sarili sa showbiz, ito ang kanyang naging tugon. 

“Ilang taon pa? Hindi ko masabi, hangga’t masaya ako, hangga’t kaya ko pa dito pa din ako,” sagot niya.

Matapos ang planong makapagpahinga matapos ang Bagani, plano na din daw mag-balik ASAP ng aktor.

“I’m gonna be back in ASAP and do everything else after Bagani, just need to relax,” pahayag pa niya.