• Home
  • Fresh Scoops
  • Alex Gonzaga on being a social media personality: ‘Natakot ako baka walang maka-gets sa akin’

Alex Gonzaga on being a social media personality: ‘Natakot ako baka walang maka-gets sa akin’

Alex Gonzaga shares how she started as a Vlogger on YouTube.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/13/2018 8:54 AM
Alex Gonzaga on being a social media personality: ‘Natakot ako baka walang maka-gets sa akin’


 

Hindi natinag ng masamang panahon si Alex Gonzaga sa kanyang “Alex Gonzaga’s Netizens Party” nitong Sabado, August 11, sa UP Town Center sa Quezon City.

Bahagi ang pakikipg bonding ni Alex sa kanyang mga fans sa first anniversary ng kanyang pagiging isang social media personality.

“I’m so happy na kahit na bumabagyo, I’m thankful na may mga pumunta padin, na touch ako sabi ko nga ‘kahit na ilan lang sila tuloy pa din,” bungad ni Alex sa press.

Dito ikinuwento din ni Alex kung papano nagsimula ang kanyang interest sa paggawa ng YouTube videos.

“It just so happened na doon sa ginagawa ko sa mainstream, ay parang nalilimitahan ako so hindi ko naipapakita kung sino talaga ako,” sabi ni Alex. “Dahil feeling ko hindi tanggap ng iba yung humor ko, naghanap ako ng parang outlet, hanggang pumasok sa isip ko na gawa kaya ako ng video [Vlog] para at least yung sarili ko walang inhibitions, walang boundaries, walang limitations,” dagdag pa niya.

Kuwento pa niya, nagkaroon din siya ng takot noong nagsisimula pa lamang siya.

“Dapat talaga kasama ko ate ko (Toni Gonzaga), natatakot ako na baka kasi walang manood sa akin or baka walang maka-gets sa akin, pero sabi ni Ate, ‘Hindi gawin mo yan, kaya mo yan mag isa.’ Ayun ito na siya ngayon,” kuwento ni Alex.

 

Aminado din ang actress turned social media star na financially rewarding din ang pagiging isang social media personality.

“Of course, oo Hindi ko expected na dumami ang blessings, totoo, mas dumami ang blessings,” masayang sabi ni Alex.

“I was just thinking na gagawin ko lang to on the side for fun, pero parang mas nabigyan niya ako ng kabuhayan showcase,” pahayag pa niya.

Sa ngayon, isang movie project ang nakatakdang gawin ni Alex kasama ang kanyang kapatid na si Toni Gonzaga.