• Home
  • Fresh Scoops
  • Ai-Ai delas Alas, naging emosyonal matapos manalo ng Best Actress sa Cinemalaya

Ai-Ai delas Alas, naging emosyonal matapos manalo ng Best Actress sa Cinemalaya

Sa kanyang Instagram post, di napigilang maluha ni Ai-Ai delas Alas sa bagong tagumpay na kanyang nakamit.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/13/2018 5:23 PM
Ai-Ai delas Alas, naging emosyonal matapos manalo ng Best Actress sa Cinemalaya


Photo credit: @msaiaidelasalas on IG

 

Hindi napigilang maluha ni Ai-Ai delas Alas nang malaman niyang siya ang nagwagi bilang Best Actress sa 2018 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival dahil sa pagganap niya bilang Rita sa pelikulang School Service.

Kwento niya sa kanyang Instagram account, ang anak niyang si Sancho pa ang nagbalita sa kanya ng pangyayari.

“Pasensya na sa reaksyon na ito hehe… kasi naman po nanonood ako ng ‘The Clash’ nag-aanalyze pa ako ng mga nanalo at lumaban tapos ang pagkasabi Sancho, ‘MAMA NANALO KA NG BEST ACTRESS?!’ (Patanong na excited)… at ako naman oh my GOD nanalo ako nanalo ako! [sic],” bungad ng aktres sa kanyang post. 

“Bigla kong naisip tama ba dinig ko? Haha bigla ko tinanong si Sancho totoo ba yan anak? Sabi niya oo ma si direk [Louie] tag ako… so ayun naniwala na ako… at ngayun na nahimasmasan na ko [sic],” dagdag pa ni Ai-Ai. 

Kanya namang pinasalamatan ang lahat ng bumubuo sa pelikula at ang kanilang director na si Louie Ignacio.

 

Pasensya na sa reaksyon na ito hehe .. kasi naman po nanonood ako ng the clash nag aanalyze pa ako ng mga nanalo at lumaban tapos ang pag kasabi sancho MAMA NANALO KA NG BEST ACTRESS?! ( paranong na excited).. at ako naman omy GOD nanalo ako nanalo ako !!! Super crayola 48 colors thank you LORD SOBRA !! NANALO AKO ( bigla kong naisip tama ba dinig ko ?? Haha 😂bigla ko tinanong si sancho totoo ba yan anak ? Sabi nya oo ma si direk loui tag ako .. so ayun naniwala na ako... at ngayun na nahimasmasan nako ... 😛MARAMING SALAMT PO CINEMALAYA JURY AT CINEMALAYA SA AWARD NA ITO ..nais kong ishare ang award na ito sa aming direktor LOUI IGNACIO , labyu .. tita BABY GO and bg productions , dennis e, ferdie lapuz, sa mga kasama ko sa SCHOOL SERVICE ,mga bata at sa mga crew at sa aming cinematographer na si rhain , direk joe lamangan at si tito jo gruta ... share ko din ito sa mga magagaling kong mga co nominadong actress na si glaiza ,iza tita perla at sa mga d ko nabanggit congrats din ....at kay LORD na sabi ko pasensya na lord nag mumura ako sa movie na ito hehe pero yun ang takbo ng buhay sa pelikulang ito ang hirap at katotohanan sa buhay.. mama mary tnx din po ... sa lahat ng blessings TO GOD BE THE GLORY ... mga inspirasyon ko sa buhay thank you mga anak sancho , niki , sophia and andrei .. at sa aking asawa gerald happy monthsary darl ang ganda ng gabing ito ... 💚

A post shared by Martina Eileen D.A. SIBAYAN (@msaiaidelasalas) on

 

Ilan sa mga aktres na nakalaban ni Ai-Ai sa Best Actress category ay sina Glaiza de Castro, Iza Calzado, Perla Bautista at Celeste Legaspi.