• Home
  • Fresh Scoops
  • JC De Vera gustong maging private muna ang relasyon niya sa ina ng kanyang anak

JC De Vera gustong maging private muna ang relasyon niya sa ina ng kanyang anak

Ikinuwento ng aktor na inspirado siyang magtrabaho nang dahil sa kanyang baby na si Lana Athena.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/12/2018 8:39 AM
JC De Vera gustong maging private muna ang relasyon niya sa ina ng kanyang anak


 

Sa naganap na finale press conference ng top rating prime time telerserye na Since I Found You, nagkuwento si Jc De Vera tungkol sa bagong source ng kanyang inspirasyon ngayon.

“The moment na nalaman ko na magkakaroon ako ng baby, I was happy naging prepared ako for it. Tapos sabi ko kasi di naman nila deserve na may tinatago.” pahayag ni JC tungkol sa kanyang baby na si Lana Athena.

Kuwento pa niya, mas inspirado siya na magtrabaho ngayon para sa kanyang anak at binubuong pamilya.

“Right now sobrang dami ko labada, after Since I Found You,  diretso ako sa The Generals Daughter. Tapos may ginagawang film with Kim Chiu. Very loaded ako ngayon. I believe kasama ito sa blessing na binigay ni God, kasama ang daughter ko.” sabi pa ng aktor.

Tungkol naman sa ina ng kanyang anak, mas pinili ni JC na maging pribado at hintayin ang right timing para mag kuwento tungkol dito.

“Gusto ko siyang maiwan na private until that day na kailangan na namin i-announce ang mga bagay tungkol sa amin.” pahayag ng aktor.

Hangad ni JC ang magandang kinabukasan ng kangang baby at nagpapasalamat siya sa kanyang followers dahil sa naging pagtanggap ng mga ito sa bagong chapter ng kanyang buhay, ang pagiging isang ama.